Halos sampung taong in the making para maging kumpleto muli in one frame ang "buong" pamilya ni Sunshine Cruz.
Nangyari ito sa selebrasyon ng 18th birthday ng pangalawang anak nila ni Cesar Montano na si Sam noong August 26, 2022 sa Pasig City.
- Sam Cruz celebrates 18th birthday with dad Cesar Montano's new family
- Cesar Montano attends daughter Sam Cruz's 18th birthday party
Sa Instagram ngayong araw, August 31, ibinahagi ni Sunshine ang dalawang larawan.
Una, ang lumang larawan nilang buong pamilya na kuha noong March 2013.
Pangalawa, ang larawang kuha na muli silang nakumpleto noong debut celebration ni Sam.
“In God’s perfect time," ayon pa kay Sunshine patungkol sa larawan kasama ang ex-husband na si Cesar at ang tatlo nilang anak na sina Sam, Angelina, at Chesca Cruz.
Ayon sa aktres, masayang-masaya ang kanyang mga anak na muling bumalik sa buhay nila ang ama.
Nalagay man sa limelight ang mapait nilang paghihiwalay ni Cesar—kung saan naging laman sila ng usapan sa loob at labas ng showbiz—hindi raw nito maiwawaksi ang katotohanang magulang sila ng kanilang mga anak.
Madamdaming caption ni Sunshine: “August 2022 vs. March 2013
“Who would’ve thought that after almost 10 years [mabubuo] ulit in one frame! In God’s perfect time talaga.
“Kahit ano pa ang nangyari noon, one thing na hindi mawawala ay ang pagiging magulang namin sa mga bata. The girls are genuinely happy to have their dad back in their lives.”
Nagpasalamat din si Sunshine sa bagong partner ni Cesar na si Kath Angeles dahil sa pagiging mabait nito sa kanyang mga anak. Kaya naman mahal na mahal daw ng mga anak niya ang mga nakababatang kapatid nila kina Cesar at Kath.
Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Sunshine ang nobyong si Macky Mathay at mga anak nito sa dating asawa.
Saad ni Sunshine, “Thank you Kath for being a wonderful Tita to my girls, I/we appreciate you! My girls love your kids so much.
“To my Macky for accepting and loving me and my kids, we love you, Roan, Cole and Charlie too!
“Thank you sa lahat ng magaganda and positive messages. May God bless us all.
“When you forgive, you in no way change the past but you sure do change the future.”
View this post on Instagram
Na-grant ang annulment ng kasal nina Sunshine at Cesar noong September 18, 2018.
Read: Sunshine Cruz ecstatic over end of marriage with Cesar Montano
