James Reid asked about video showing him hugging Nancy McDonie of Momoland

by Melba R. Llanera
Sep 1, 2022
James Reid cozy moment with Nancy McDonie
James Reid describes Nancy McDonie as a "very kind person," but does not answer when asked if they are an item.
PHOTO/S: Sany Chua / CTTO via TikTok / @nancyjewel_mcdonie_ Instagram

Umiwas magbigay ng komento si James Reid, 29, nang tanungin kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Nancy McDonie, 22, ng K-pop girl group na Momoland.

Read more:

Kalat sa social media ang ilang sightings na magkasama sina James at Nancy na waring sweet sa isa't isa sa isang party na dinaluhan nila pareho.

James Reid and Nancy McDonie

Sa isang fan page sa TikTok, ipinost ang naturang clip kung saan makikitang nakaakbay ang aktor kay Nancy, habang ang isang kamay ng K-pop singer ay nasa baywang ni James.

James Reid and Nancy McDonie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simpleng saad ni James, “No comment. She's a very kind person. But, yeah, no comment.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa Preview Ball 2022 na ginanap kagabi, August 31, 2022, sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.

Sa interview naman ng PEP.ph noong June 20, 2022, nabanggit ni James na ngayon ay ine-enjoy niya ang pagiging single, lalo't nanggaling siya sa four-year relationship sa ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Tinanong uli namin ang actor-singer kung ngayon ba ay bukas na siyang magka-girlfriend muli at pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

Sabi ni James, “I would like to think so. Actually, this album that I've been making has been kind of therapeutic.

“Ready for a relationship? Yeah, I think I am.”

JAMES ON LIZA LANDING A ROLE IN LISA FRANKINSTEIN

Bilang founder ng Careless talent management, proud si James sa alagang si Liza Soberano na na-penetrate ang international scene sa upcoming horror-comedy film na Lisa Frankenstein.

Sabi ni James, "Like always said, I always believe in Liza.

“I didn't expect [it would be this soon]. Before she came to Careless, we asked her what she wanted and she said, ‘I want to be in Hollywood.’

“I didn't realize it will only take a month or two to actually land a role. It's amazing though.

“I think she is prepared for it. She is really going to shine, and I feel it's just a beginning, and she's gonna land a lot more roles after this.

"She's really excited…”

Kinumusta rin namin ang boyfriend ni Liza na si Enrique Gil na nabalita noong nagbabalak sumunod kay Liza sa Careless.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“There's no talk about that,” paglilinaw ni James.

Sa kabilang banda ay excited at masaya si James na mare-release na ang album na ginagawa niya ngayong Oktubre.

"I've been in L.A. for one month. I just finished an album which is coming out on October. I've been working on this all year and it's finally coming out."

PREVIEW'S MOST INFLUENTIAL AWARDEE

Kabilang si James sa listahan ng 50 Most Influential sa Preview Ball 2022 na pinarangalan sa event. Kahanay niya sina Unkabogable Vice Ganda, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at iba pang mga kilalang personalidad.

Nagpapasalamat naman si James sa karangalang ipinagkaloob sa kaniya.

"When I found out I'm one of the most influential awardees, I'm very proud.

"I've worked very hard to really make a difference in music. I'm very happy that they recognized it so happy to be here.

“Actually, I just came back here in the Philippines yesterday, so happy to be home."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid describes Nancy McDonie as a "very kind person," but does not answer when asked if they are an item.
PHOTO/S: Sany Chua / CTTO via TikTok / @nancyjewel_mcdonie_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results