Nanindigan si KC Concepcion na malapit na magkaibigan lamang sila ni apl.de.ap, a.k.a. Allan Pineda Lindo, member ng international hip-hop group na Black Eyed Peas.
Matagal nang usap-usapang may special relationship ang dalawa.
Read: KC Concepcion reveals real score with apl.de.ap; calls him “great friend of mine”
Sa panayam ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe kay KC sa New York, na lumabas sa TV Patrol kahapon, August 31, 2022, sinabi nitong magkaibigan lang sila ng singer.
Pahayag ni KC, “Hindi, hindi [naging kami]. Very close kami, you know, I love the guy.
"I respect him, I admire him. Pinapatawa niya ako nang sobra-sobra, mabait siya sa akin.
"Hindi naman, he’s very busy with work as well. And you know, whatever will be, will be. But no, hindi kami.”
Sa ngayon, wala raw siyang love life.
Pero siniseryoso na raw ni KC ang usapin pagdating sa pag-ibig dahil naunahan na siya ng kapatid na si Cloie Syquia Skarne na nagpakasal.
Ikinasal ang kanyang nakakabatang kapatid na babae sa Sweden noong July 9, 2022 kung saan personal niya itong dinaluhan.
Read: KC Concepcion attends sister Cloie Skarne's wedding in Sweden; thanks Jenny Syquia for warm welcome
Ayon pa kay KC, pangarap din niyang ikasal.
Saad niya, “Dito sa States, medyo hirap mag-date. Minsan akala mo serious yun, casual lang pala.
"I’m in my 30s. I won’t lie, I definitely take relationship more seriously now.
"Tapos, yung dream na one day ako naman ang ikakasal, kasi ikinasal na yung sister ko sa Sweden. My gosh, naunahan pa ako!”
Nagbiro pa si KC na baka ikasal siya in nine months. At dito ay pinabulaanan niyang muli na nabuntis siya o buntis.
Natatawa niyang sabi, “Huy guys, ang tagal niyo nang issue 'yan ha. I wish, I wish, pero wala. Ang daming beses ko nang supposedly nabuntis, pero hindi talaga.”
Uuwi sa Pilipinas si KC sa susunod na linggo para sa debut ng kanyang half-sister na si Miel Pangilinan.
