Heart Evangelista admits going through "personal struggles": "I am really in a search for just being happy."

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2022
heart evangelista
Heart Evangelista: "I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles… Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy."
PHOTO/S: YouTube (Love Marie Escudero)

Malaman ang mga naging pahayag ni Heart Evangelista sa kanyang latest YouTube vlog nitong Biyernes, September 2, 2022.

Dalawang beses niyang idiniing may pinagdadaanan siyang “personal stuff” lately, pero sinisikap niyang maging positibo.

Walang direktang sinabi si Heart kung ano ang pinagdadaanan niya, pero makahulugan ang mga salita niya.

Idiniin ng Kapuso actress ang hangad niyang maging independent at empowered woman, at sinusulit ang oras kasama ang kanyang dalawang alagang aso.

“I’m not gonna lie, I’ve been going through, like, a lot of personal stuff in my mind,” sabi ni Heart.

Sa kabila nito, aniya, “I’m still very, very grateful.”

Nagpapakapositibo raw siya.

Sinabi pa ni Heart na “less filtered” pagdating sa YouTube kaya mas nagiging totoo siya.

Giit muli ni Heart: “And I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles…

“Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat nagiging masaya siya sa mga materyal na bagay, na-realize daw ni Heart na mas mahalaga ang mga simpleng bagay sa buhay.

Saad niya, “It’s about the simplest things in life that are very important and that really make a person happy, and that’s where I’m at now.

“Just really appreciating all the small moments and Panda, Shuti, all the love that I feel."

Sina "Panda" at "Shuti" ang mga alaga niyang aso.

Muling inulit ni Heart na mataas ang respeto niya sa mga babaeng workaholic, driven, at empowered anuman ang problemang pinagdaraanan nila.

“It feels good to be empowered and know that you can do things on your own no matter how hard certain situations in your company, in your workplace, or the people around you, or what weighs you down.

“At the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life, and not rely on anyone that matters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That's where I'm at," saad niya.

Sinabi rin ni Heart na magbibigay pa siya ng update tungkol sa kanyang “unfiltered version of my life, which I love.”

Hirit niya, “We’re gonna change things up a bit. Not everything is dandy and beautiful.

“At the end of the day, I feel like it’s so important to always be authentic and really stay true to yourself whether people agree with you or not.”

Bukod sa mga pahayag ni Heart tungkol sa pagiging independent woman, nakapagtataka ring hindi niya binanggit ang pangalan ng mister na si Senator Chiz Escudero.

Kaugnay nito, umugong ang isyung may pinagdadaanan ang mag-asawa nang tanggalin ni Heart ang apelyidong Escudero sa kanyang Instagram handle noong Agosto.

Read: Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?

May netizens ding nakapansing hindi suot ni Heart ang kanyang wedding ring sa isang OOTD photo na ipinost nito sa Instagram.

Samantala, itinanggi naman ng mga taong malapit kay Heart na may problema ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa mga naging pahayag ni Heart sa kanyang latest YouTube video, hindi malayong isipin muli ng mga tao kung may pinagdadaanan nga ba ang mag-asawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista: "I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles… Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy."
PHOTO/S: YouTube (Love Marie Escudero)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results