Vhong Navarro reiterates innocence in rape case, but takes blame for infidelity

by KC Cordero
Sep 3, 2022
Two photos of Vhong Navarro while sitting
Ayon kay Vhong Navarro, kung may kasalanan man siya sa isyung kinasasangkutan, iyon ay ang panloloko niya sa girlfriend niya noon na misis na niya ngayon. "Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay noong niloko ko ang girlfriend ko, at ito na yung wife ko ngayon."

Nagbigay na ng pahayag ang aktor at TV host na si Vhong Navarro ukol sa kasong isinampa sa kanya ng Taguig City Prosecutor’s Office sa Taguig Regional Trial Court noong August 31, 2022.

Inakusahan siya ng panggagahasa sa model-stylist na si Deniece Cornejo noong January 17, 2014 sa condo unit nito sa Taguig.

Screen of ANC's interview with Vhong Navarro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ng ANC noong September 3, sinabi ni Vhong na, “Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay noong niloko ko ang girlfriend ko, at ito na yung wife ko ngayon.”

Pagbibigay-diin pa niya, “Lahat ng ibinibintang nila sa akin ay hindi totoo yun.

“Ako ay nagsasabi ng totoo. Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo.”

Ang pagsasampa ng kaso kay Vhong ay naganap matapos aprubahan ng 14th Division ng Court of Appeals ang petisyon ni Deniece para baguhin ang desisyon ng Department of Justice noong 2018 at 2020 na nagbasura sa reklamong isinampa ng model-stylist noong 2014 dahil sa kakulangan ng probable cause.

The RTC order

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, ipinag-utos ng Taguig City Regional Trial Court na huwag munang i-raffle ang kaso hangga’t nakabinbin pa ang mosyon ng kampo ni Vhong sa CA.

"Given the foregoing, the holding of raffle involving the criminal case of accused Ferdinand Navarro should be deferred until the motions are resolved," ayon sa inilabas na kautusan ni RTC Executive Judge Antonio Olivete noong September 1.

Matatandaang nagsampa rin ng kanyang apela si Vhong sa CA noong August 2, at ng status quo ante order motion noong August 11.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Vhong Navarro, kung may kasalanan man siya sa isyung kinasasangkutan, iyon ay ang panloloko niya sa girlfriend niya noon na misis na niya ngayon. "Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay noong niloko ko ang girlfriend ko, at ito na yung wife ko ngayon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results