Kelsey Merritt nagmistulang Barbie doll sa 2022 Venice Film Festival red carpet

by KC Cordero
Sep 3, 2022
Photos of Kelsey Merritt in 2022 Venice Film Festival red carpet
Panay papuri ang naging komento at reactions ng mga kaibigan at followers ni Kelsey Merritt nang rumampa siya sa 2022 Venice Film Festival red carpet.

Nag-post ang Fil-American model na si Kelsey Merritt sa kanyang Instagram ng pagrampa niya sa red carpet ng movie premiere ng pelikulang TAR sa Venice, Italy.

Ang pelikula ay isa sa mga itinampok sa 2022 Venice Film Festival.

Kahanga-hanga ang kanyang kaseksihan sa suot niyang Rami Al Ali baby pink gown.

Screenshot of Kelsey Merritt's IG post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang caption: “So honored to attend the premiere of the movie 'TAR' directed by Todd Field at my first Venice Film Festival.”

Panay papuri ang naging komento at reactions ng kanyang mga kaibigan at followers.

Kelsey Merritt posing for photographers

Ayon sa beauty expert na si Kristina Rodulfo, “You look like a Filipina Barbie!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Perfect,” ayon naman kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Si Kesley ang kauna-unahang Pinay na nakapaglakad sa Victoria’s Secret fashion show.

Naitampok din siya sa mga pahina ng Sports Illustrated noong 2021.

Last June ay nagbalik siya sa Pilipinas at naging judge sa “Sexy Babe” segment ng “It’s Showtime!”

Sinamantala na rin ni Kesley ang pagkakataon na makapagbakasyon sa Palawan kasama ang pamilya matapos ang stint niya sa nasabing noontime show.

Sa New York City nakabase ngayon si Kelsey.

May tsika na na nagde-date sila ngayon ng Hollywood actor na si Jared Leto matapos silang makitang nag-rock climbing sa Italy kamakailan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Panay papuri ang naging komento at reactions ng mga kaibigan at followers ni Kelsey Merritt nang rumampa siya sa 2022 Venice Film Festival red carpet.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results