Edu Manzano, hindi makapaniwalang magiging lolo na

by KC Cordero
Sep 3, 2022
Luis Manzano and Jessy Mendiola showing the ultrasound of Baby Peanut to Edu Manzano and Cherry Pie Picache
Ipinakita nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang video ng naging reaction ni Edu Manzano nang ibalita nila sa beteranong aktor na magiging lolo na ito.

"Hi, Lolo!"

Ito ang bungad ni Luis Manzano sa kanyang amang si Edu Manzano nang ipakita niya at ng misis niyang si Jessy Mendiola ang video ng ultrasound ng kanilang baby.

Kasama naman noon ni Edu ang kanyang partner na si Cherry Pie Picache—na agad na bumati at yumakap kay Luis.

June 2022 ang inilagay na petsa kung kailan sinabi nina Luis kay Edu ang exciting news.

The reactions of Edu Manzano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halata ang pagkagulat ni Edu nang una nitong makita ang image, at pagkatapos ay lumarawan sa mukha nito ang kakaibang saya.

"Wow!" bulalas ng beteranong aktor. "When did you do that?"

Inilapit pa nito ang mukha sa screen ng phone ni Jessy para mas makita ang image.

"Can I see that again?" ani Edu.

"How many months na iyan?" usisa pa niya.

Sagot naman ni Jessy, "I'm almost done with my first trimester."

Niyakap ni Edu si Luis at hinalikan.

Tinapik naman ni Jessy ang asawa sabay sabing, “Tatay ka na...”

“Yes...” ani Luis.

Niyakap at hinalikan din ni Edu ang manugang.

Lahad ni Luis kina Edu at Cherry Pie, “Ang tawag namin sa kanya [baby] is Peanut.”

Ang pagbabalita nina Luis at Jessy ng pagbubuntis ay bahagi ng uploaded video ng actress sa kanyang YouTube Channel noong September 1.

May title ito na "TELLING OUR FAMILIES ABOUT OUR BABY PEANUT (REACTIONS)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Jessy: “Before we shared the good news to the world, of course, we told our families first about baby Peanut!

“Kitang-kita ang excitement nila, at siyempre, nagulat talaga sila.”

Habang sinusulat ang artikulong ito, nakakuha na ang video ng mahigit 642K views.

Sa unahang bahagi ng video ay sa pamilya naman ni Jessy nila ibinalitang mag-asawa na nasa interesting stage na nga ang actress.

The family of Jessy Mendiola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ina at isang kapatid ni Jessy ay nasa Japan.

Narito naman sa Pilipinas ang isa pa niyang kapatid.

Nasa Bahrain ang kanyang ama.

Una namang nakaalam tungkol kay Peanut ang ina ni Luis, ang Star for All Season na si Vilma Santos.

Ibinalita nila ito kay Ate Vi noong May, sa mismong selebrasyon ng Mother’s Day.

Matatandaang noon pa sinasabi ni Ate Vi na excited na siyang maging lola.

Read also:

Vilma Santos, "heaven" ang pakiramdam na girl ang baby nina Luis at Jessy

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakita nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang video ng naging reaction ni Edu Manzano nang ibalita nila sa beteranong aktor na magiging lolo na ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results