Janella Salvador thoroughly single mom: "Kaya kong gawin...talagang nilalaban ko yun."

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 5, 2022
Janella-Markus
Janella Salvador: "Being a single mom — talagang nilalaban ko yun. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin...I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram

Kinumpirma ni Janella Salvador na isa na siyang single mother ngayon.

Ito ay matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang dating partner na si Markus Paterson.

Ibinahagi ni Janella ang kanyang pakikipaglaban sa buhay bilang isang solong ina sa latest vlog ni ABS-CBN broadcaster Bernadette Sembrano na in-upload sa YouTube noong September 3, 2022.

Naging guest celebrity patroler si Janella sa TV Patrol para i-promote ang unang paglabas ng kanyang karakter na si Valentina sa Mars Ravelo's Darna, kung saan nagkaroon ng pagkakataon si Bernadette na kapanayamin ang aktres.

Tanong ni Bernadette kay Janella kung naka-relate ba siya sa karakter niya sa Darna bilang si Valentina ang alter ego ni Regina.

Sagot ni Janella, "Relate ako kasi si Regina, pag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya, ilalaban niya talaga.

"Ganoon ako as a person, as long as wala akong natatapakan, kasi I like learning. I like challenging myself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling tinanong ni Bernadette ang aktres kung ano ang huli nitong ipinaglaban.

Tugon ni Janella, "Being a single mom — talagang nilalaban ko yun.

"At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin."

Dagdag pa niya, “I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”

Ayon pa kay Janella, inspirasyon niya ang kanyang inang si Jenine Desiderio kaya siya naging matapang at matatag sa pagpapalaki sa kanyang magdadalawang taon na anak na si Jude Trevor.

Saad niya, “Siguro kasi I saw my mom, growing up, kung paano siya... she was able to raise us on her own.

"So, siguro na-embody ko rin kung paano siya... I wanted to be independent as well."

Si Janella ay anak ng singer-actress na si Jenine Desiderio sa singer ding si Juan Miguel Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANELLA HINTS BREAKUP WITH MARKUS

Una nang nagbigay ng reaksyon si Janella sa PEP.ph (Philippine Entertainment) hinggil sa matagal nang usap-usapang breakup nila ni Markus Paterson.

Bagamat hindi niya direktang sinagot ang isyu, naging mitsa naman ito ng mas maraming katanungan tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon sa kasalukuyan.

Read: Janella Salvador, Markus Paterson neither confirm nor deny breakup rumors

Ayon kay Janella, maayos sila ni Markus at ang main priority nila ay ang kapakanan ng kanilang anak na si Jude.

Aniya, "Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okay naman kami, basta okay kami.

"We're both happy as individuals and our main priority is Jude."

Dagdag pa ni Janella, hindi niya isinasara ang kanyang puso para sa panibagong pag-ibig at kung sino ang darating ay kanya itong tatangapin

"Hindi naman ako mapili. Kung sino ang dumating basta't maayos, basta't mamahalin ako."

Sa ngayon ay wala pang reaksiyon si Markus ukol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador: "Being a single mom — talagang nilalaban ko yun. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin...I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results