Vhong Navarro pens heartwarming anniversary message for wife Tanya amid rape case

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2022
Vhong Navarro pens heartwarming anniversary message for wife Tanya Winona
Vhong Navarro to wife Tanya Bautista on their anniversary: “Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at ginhawa."
PHOTO/S: Courtesy: @t.winona on Instagram

Ipinagdiwang ni Vhong Navarro at asawang si Tanya Winona Bautista ang kanilang wedding anniversary at tagal ng kanilang pagsasama bilang magkarelasyon kahapon, September 4, 2022.

Sa Instagram, ibinahagi ni Vhong ang isang short video kung saan makikita silang naglalakad ng misis na nakatalikod sa kamera.

Sa caption ni Vhong, pinasalamatan niya ang Diyos dahil sa pagbibigay sa kanya ng partner na naging karamay sa buhay.

Nagpasalamat din ang comedian-TV host sa asawa dahil lagi itong nakaalalay sa kanya, lalo na ngayong pormal na siyang sinampahan ng Taguig Prosecutor’s Office ng kasong rape sa Taguig City-RTC.

Buong mensahe ni Vhong: “Maraming salamat Lord dahil binigay mo siya sakin. Pinag isa mo kami para manatiling matatag sa isa’t isa at mag-aalalayan habang buhay.

“Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at ginhawa. Happy 14th Anniversary and Happy 3rd Wedding Anniversary! Iloveyousomuch [heart, face with kissing heart emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Nitong nakaraang Hulyo 2022 lamang, ipinag-utos ng Court of Appeals sa Taguig prosecutors na sampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness ang It’s Showtime host kaugnay ng akusasyon ng modelong si Deniece Cornejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa dalawampu’t anim (26) na pahinang desisyon ng CA 14th Division noong July 21, 2022—na inilabas noong July 31—pinaboran ng hukuman ang petition for review na inihain ni Deniece.

Isinantabi na ng CA ang mga resolusyon ng DOJ noong April 30, 2018 at July 14, 2020.

Read: CA orders Taguig Prosecutors to file rape, acts of lasciviousness charges vs Vhong Navarro

Nitong August 31, 2022, ipinaalam ng Taguig prosecutors na pormal na nilang sinampahan ng kasong rape si Vhong.

Read: Taguig prosecutors file rape case against Vhong Navarro

Sa panayam naman sa aktor ng ANC nitong September 3, nanindigan siyang inosente siya sa kinahaharap na sakdal.

Saad nito, “Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay noong niloko ko ang girlfriend ko, at ito na yung wife ko ngayon.

“Lahat ng ibinibintang nila sa akin ay hindi totoo yun.

“Ako ay nagsasabi ng totoo. Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vhong Navarro reiterates innocence in rape case, but takes blame for infidelity

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro to wife Tanya Bautista on their anniversary: “Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at ginhawa."
PHOTO/S: Courtesy: @t.winona on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results