Markus Paterson on lessons from past relationships: “Never to f*ck*ng date someone in the industry.”

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2022
Markus Paterson lessons on past relationship
Markus Paterson: "Sa lahat ng mga nanonood na batang artista or gustong mag-artista, huwag kayong mag-date ng ibang babaeng artista.”
PHOTO/S: Courtesy: @markus on Instagram

Nakakagulat ang leksiyon na natutunan ni Markus Paterson pagdating sa pakikipagrelasyon.

Direkta niyang sinabing hindi tama na ang isang celebrity ay makipag-date sa kapwa nito celebrity.

Sinabi ito ni Markus sa unang episode ng Boys After Dark (BAD) ng Rise Artists Studio na in-upload sa YouTube nitong nakaraang Sabado, September 3, 2022.

Kasama ni Markus bilang hosts sina Anthony Jennings, Jae Miranda, Gello Marquez, at Aljon Mendoza.

Nakalagay sa description ng episode na ito ay “unfiltered stories about their experiences and insights into love and relationships, including secrets they kept from their partners or exes, what they would do if their partners are hiding secrets from them, and if they would stay in a relationship without trust and the best white lies they can make.”

Sa isang bahagi ng episode, habang naglalaro sila ng beer pong game, ibinahagi ni Markus ang kuwento ng kanyang kaibigang lalaki na bigla na lang daw iniwan ng girlfriend matapos ang pitong taong relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ipinalit daw sa kanyang kaibigan ay ang nakatatanda nitong pinsan. Kahit isang linggo pa lamang daw silang hiwalay ay naging bukas na ang ex-girlfriend ng kaibigan ni Markus sa publiko na may bago na itong karelasyon.

Ayon kay Markus, dapat naman daw sana ay may grace period o maging discreet ang mga katulad nito kung may bago man itong karelasyon.

Sabat naman ni Aljon, ito rin daw ba ang sasabihin ni Markus sa "next relationship niya."

Sagot ni Markus: “Anong susunod na relationship? P*t*ng i*a, kung may lessons ako sa mga relationships ko, never to f*ck*ng date someone in the industry.”

Sabi pa niya sa production staff, “Huwag niyo i-cut 'yan, seryoso ako diyan.”

Sa bandang huling bahagi ng episode, nag-share na rin si Markus ng kanyang karanasan sa pakikipag-relasyon.

Sabi niya, “I’ve made the mistake more than three times in this life. It’s always to be ready when you’re moving on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because if you’re not ready to move on, and you meet some other people and you still have some ties to your past, you have trauma and pain, that sh*t’s gonna come back and haunt you.

“It’s gonna ruin the relationship that you’ve already built.

"So, it’s about being prepared. Being honest with yourself.”

Payo naman niya sa mga lalaking batang artista o nangangarap mag-artista: “Sa lahat ng mga nanonood na batang artista or gustong mag-artista, huwag kayong mag-date ng ibang babaeng artista.”

Ang huling nakarelasyon ni Markus ay si Janella Salvador, kung saan mayroon siyang isang anak.

Inamin ni Janella na single mother na siya ngayon.

Read: Janella Salvador thoroughly single mom: "Kaya kong gawin...talagang nilalaban ko yun."

Hindi pa sinasabi nina Markus at Janella sa publiko ang sanhi ng hiwalayan nila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson: "Sa lahat ng mga nanonood na batang artista or gustong mag-artista, huwag kayong mag-date ng ibang babaeng artista.”
PHOTO/S: Courtesy: @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results