Markus Paterson denies physical abuse; Janella Salvador reveals trauma with “drunk men”

by Bernie V. Franco
Sep 6, 2022
markus paterson janella salvador
Markus Paterson clarifies accusation that he has physically hurt Janella Salvador. Fans of Janella clarifies that the issue is the alleged alcoholism of Markus.
PHOTO/S: @markus on Instagram / YouTube (TV Patrol)

Itinanggi ni Markus Paterson na nananakit siya ng babae.

Reaksiyon ito ni Markus matapos niyang makabasa ng tweets na inaakusahan siyang nanakit ng babae.

Walang pinangalanan si Markus, pero mahihinuhang may nakarating sa kanyang akusasyong pinagbuhatan niya ng kamay ang nakarelasyong si Janella Salvador.

Nag-tweet si Markus nitong madaling-araw ng Martes, September 6.

Mensahe niya (published as is): “saw some tweets circulating. FACT: I have NEVER, and WILL never lay my hands on a woman. My parents raised me right. I’ll address the rest on the podcast.”

markus paterson tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa rito, maugong ang usap-usapang ilang buwan nang hiwalay sina Janella at Markus, bagamat wala silang direktang kumpirmasyon.

Lumalabas na may katotohanan ito matapos kumpirmahin ni Janella na isa na siyang ngayong “single mom.”

Sinabi ito ni Janella sa vlog ni Bernadette Sembrano na in-upload noong September 3, 2022.

Read: Janella Salvador thoroughly single mom: "Kaya kong gawin...talagang nilalaban ko yun."

Sina Janella at Markus ay may isang anak na lalaki, ang one year old na si Jude.

Samantala, sa isa ring recent vlog na kasama si Markus, nagbitaw ang aktor ng maanghang na pahayag na huwag mag-date ng babaeng taga-showbiz.

Sabi niya: “P*t*ng i*a, kung may lessons ako sa mga relationships ko, never to f*ck*ng date someone in the industry.”

Read: Markus Paterson on lessons from past relationships: “Never to f*ck*ng date someone in the industry.”

DRINKING ISSUE, NOT THE PHYSICAL ISSUE

Umani ng mixed reactions ang tweet ni Markus na itinatangging nananakit siya ng babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng kanyang supporters, alam ng mga nakakakilala kay Markus na hindi siya ang tipong pagbubuhatan ng kamay ang isang babae.

Kumontra rito ang supporters ni Janella.

Iginiit nilang walang sinabi si Janella o walang isyung kumakalat na pinagbuhatan siya ng kamay ni Markus.

Ang isyu raw ay ang alcoholism ng aktor at ang masasakit na pananalita kapag tinamaan na ito ng alak.

janella salvador fans

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANELLA’S TRAUMA WITH DRUNK MEN

Lumalabas na hindi na bago ang sinasabing drinking issue ni Markus.

Sa vlog ni Ogie Diaz noong April 29, 2022, tinalakay rito na ilang buwan na umanong hiwalay sina Janella at Markus.

Sabi pa ni Ogie, “Narinig ko na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Paterson.

“May drinking habit. Iyan ang narinig ko. May drinking habit ito na, siyempre, kung madalas umiinom ng alak, kapag umiinom ng alak ay nagkakaroon ng anger management problem.”

Sinabi ni Ogie na narinig niya ito mula mismo sa common friends nina Janella at Markus.

“Yun daw ang problema kay Markus. Kahit daw sasabihin ni Markus hindi na iinom, kapag daw naiimbita at naaaya ng mga friends mamam [iinom].”

At kapag nakakainom daw ang aktor ay mabilis mag-init ang ulo nito at mabilis mapikon.

Naging makahulugan naman ang mga binitawang pahayag ni Janella sa interview sa kanya ni Ogie noong February 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa interview na iyon, inamin ni Janella na may trauma siya sa dating nakarelasyong may drinking problem.

Hindi rin itinanggi ni Janella na napisikal siya noon ng dating karelasyon.

Sabi pa ni Janella, “Actually, ang naging trauma sa akin hindi yung physical part, e.

“Yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men. Yun yung naging trauma ko.”

Sinabi rin ni Janella na alam daw ni Markus ang trauma niyang ito.

Inusisa ni Ogie si Janella kung ano ang reaksiyon ni Markus sa trauma na ito ng aktres.

Makahulugang sabi ni Janella: "Natatawa na lang ako.

“We’re working on it. Pero ayun, syempre he’s younger. Hindi niya maiwasan na gusto niya mag-enjoy minsan.

“Hindi naman niya kasalanan na may trauma ako, pero we’re trying to work on it siguro.”

Ikinuwento ni Janella na napag-uusapan nila ito ni Markus.

Aniya, “Ang lagi ko kasing sinasabi sa kanya, ‘Wala namang problema kung uminom ka. Basta alam mo lang yung boundaries mo, yung limit mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Alamin mo lang yung limit mo pag feeling mo hindi mo na kaya, huwag ka nang uminom.'”

Sundot ni Janella: “I guess that’s his struggle in life.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson clarifies accusation that he has physically hurt Janella Salvador. Fans of Janella clarifies that the issue is the alleged alcoholism of Markus.
PHOTO/S: @markus on Instagram / YouTube (TV Patrol)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results