Kathleen Hermosa opens up about struggles in life after annulment, recovering from sepsis

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2022
kathleen hermosa sleeveless
Kathleen Hermosa on her second life: "I realized na doing the things that I love to do, na worth of my time, kasi dun ko na-realize na napakaiksi lang ng buhay na I should spend it loving, giving love, and being around beautiful people that I love."
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Hindi ikinahihiya ni Kathleen Hermosa ang kanyang trabaho ngayong pagtitinda sa pamamagitan ng Facebook live.

Ito raw kasi ang susi sa kanyang muling pagbangon matapos ang annulment ng kasal nila ng dating asawa.

Ayon sa aktres, humantong sa rock bottom ang kanyang sitwasyon dahil bukod sa pagtatapos ng kanyang married life, muntik na rin umano siyang mamatay dahil sa sakit na sepsis.

Pagbabahagi ni Kathleen, "Marami pong nangyari sa akin. As you all know, hindi naman kaila na I was once married.

"Hindi ko po talaga ito sinasabi but it didn’t last, I am now legally single.

"And that time, hindi mo maiwasan na you have your lowest of your low. I am financially not ready and I was living with my sister."

Ang "sister" na tinutukoy niya ay si Kristine Hermosa, asawa ni Oyo Sotto.

Pagpapatuloy niya, "And at that time, I said, I just kept praying, I really kept praying. Yun naman yung alam kong hindi talaga ako iniwan kasi I was surrounded with friends and family na in the same faith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinabi nila sa akin, kasi I didn’t have money, 'So, why not try to do live selling?'"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathleen sa birthday celebration ni Dave Almarinez, asawa ng aktres na si Ara Mina, sa MGallery ng Admiral Hotel Manila, noong August 29, 2022.

SECOND LIFE

Nakadagdag pa raw sa pagiging "rock bottom" niya ang karamdamang nauwi sa sepsis na muntik na niyang ikinamatay.

Lahad pa ni Kathleen, "I don’t have anything. Walang-wala ako kasi it's my second life.

"Pagkaumpisa pa lang ng pandemic, that was... bago pa lang mag-lockdown, that was January (2020), I almost died.

"I had sepsis, tapos after nun parang konek-konek na siya that led to sepsis.

"Tapos, I realized na doing the things that I love to do, na worth of my time.

"Kasi dun ko na-realize na napakaiksi lang ng buhay na I should spend it loving, giving love, and being around beautiful people that I love, and the things that I want to do, that I love to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sabi ko, 'Anong gagawin ko sa buhay ko?'

"So I went back to my sister’s home that I was living, tapos sabi ko, 'Wala akong pera, Lord, anong gagawin ko?'"

Dito na raw siya pinayuhan ng kaibigan niyang ibenta ang gamit nila sa bahay ng dating asawa.

Nag-alinlangan pa raw siya nung una dahil sa kanyang pride.

“Sabi ko, 'Ayaw kong magbenta.' Yung pride ko, pride ko ba parang, 'Uhm, nakakahiya.' And then I prayed.

"Umuwi ako sa bahay, pinag-isipan ko. Right there and then, lahat ng makita kong gamit, ibinenta ko.

"Sabi ng friend ko, 'Kath, pag nakaipon ka in less than a month ng P100K, it's time for you to move out from your sister’s house. It's time for you to be responsible and to take control.'

"I mean, to be a... just claim it, okay, 'I want to be responsible with my life,' ganyan.

"So yun, I started selling, nakaipon ako ng P100K in less than a month. So, yun na yung answered prayer ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sabi ko, 'Okay, mag-move out na nga ako.'"

View this post on Instagram

A post shared by KK&Co. (@kweenkandco)

Dahil naging successful ang kanyang live selling, nakalipat na si Kathleen sa isang studio-type condo.

Bukod sa mga dati niyang gamit sa bahay na ibinibenta, may dumating na rin siyang supplier ng mga apparel, pre-loved items, jewelry, pots, and plants.

Saad pa niya, "Yun po, God has never left me. He's always there. I'm just grateful po. Natutunan ko talagang magpasalamat.

"Di ba po, madalas pag nahirapan tayo, lagi tayong nagku-complain?

"So yun po, dun ko natutunan na pag naisip ko na mag-complain, hindi, titingnan ko na lang kung anong meron ako, kung anong meron sa buhay ko.

"'Pangalawang buhay ko na pala 'to, kailangan ko nang galingan.

"Kaya ginagalingan ko po na ngayon."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathleen Hermosa on her second life: "I realized na doing the things that I love to do, na worth of my time, kasi dun ko na-realize na napakaiksi lang ng buhay na I should spend it loving, giving love, and being around beautiful people that I love."
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results