Michael de Mesa clarifies "misinformation" about sister Cherie Gil’s cremated remains

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2022
Michael de Mesa clarifies resting place of late sister Cherie Gil
Michael de Mesa on late sister Cherie Gil's cremated remains: "Bukidnon was her favorite place, but she was not buried there. Some of her ashes were just scattered there.”
PHOTO/S: Courtesy: @mdemesa24 on Instagram

Nilinaw ng aktor na si Michael de Mesa ang lumabas na ulat sa isang major broadsheet tungkol sa cremated remains ng kanyang yumaong kapatid na si Cherie Gil.

Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59

Sa Instagram ngayong Miyerkules, September 7, 2022, tinawag ni Michael ang pansin ng isang ulat na diumano'y nakalagak na ang mga labi ng namayapang kapatid sa Bukidnon.

Paglilinaw ni Michael, na-cremate ang mga labi ni Cherie sa New York at pinaghati-hati ang mga abo nito sa mga kapatid, mga magulang, at sa mga anak ng aktres.

Paboritong lugar daw talaga ni Cherie ang Bukidnon pero hindi raw inilagak ang kanyang mga labi roon.

Nagsaboy lamang daw sila roon ng kanyang abo.

Bahagi ng note na ibinahagi ni Michael sa Instagram: “Cherie was cremated in New York.

"Most of her remains are with our other sister, Elaine, in California. Part of her is with my parents who are also in California and some are here with my wife and I.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bukidnon was her favorite place, but she is not buried there. Some of her ashes were just scattered there.”

Dagdag niya sa caption, “Felt we needed to clarify because of misinformation!

“I forgot to mention that Cherie is also with her children.”

Nitong nakaraang September 2, pinangunahan ni Michael ang pagtitipon ng pamilya Eigenmann para sa namayapang kapatid.

Ginanap ito sa Antonio’s Restaurant sa Tagaytay.

Saad pa ni Michael, naramdaman nilang lahat na kapiling pa rin nila si Cherie.

Kahit daw nalulungkot sila, may ngiti pa rin sa kanilang mga labi dahil alam nilang kayakap na ni Cherie ang isa pa nilang yumaong kapatid na si Mark Gil.

Makikita sa isang group picture na kasama nila ang asawa ni Cherie na si Rony Rogoff at ang mga anak nilang sina Raphael at Bianca; si Michael at ang pamilya nito, kasama ang mga anak na sina Ryan at Geoff Eigenmann at ang kani-kanilang pamilya; ang mga pamangkin ng aktres sa pangunguna nina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Max Eigenenmann, at Andi Eigenmann; at mga apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Michael de Mesa leads Eigenmann clan's tribute to Cherie Gil

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael de Mesa on late sister Cherie Gil's cremated remains: "Bukidnon was her favorite place, but she was not buried there. Some of her ashes were just scattered there.”
PHOTO/S: Courtesy: @mdemesa24 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results