Aicelle Santos continues to pray for mother's recovery: "We miss you ma! Gising ka na po!"

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 7, 2022
Aicelle Santos mom in critical condition
Aicelle Santos on her mom Leonila: "We miss you ma! Gising ka na po!"
PHOTO/S: AICELLE SANTOS INSTAGRAM

Patuloy na umaasa at nagdarasal ang Kapuso singer na si Aicelle Santos na magising na ang kanyang ina.

Ito ay matapos ang halos dalawang linggo mula nang manawagan siya sa publiko na ipagdasal ang kanyang Mommy Leonila na nasa kritikal na kondisyon.

Read: Aicelle Santos asks for prayers for mother who is in critical condition

Sa kanyang madamdaming Instagram post nitong Martes, September 6, 2022, ibinahagi ni Aicelle ang kanyang pangungulila at pag-asa na magising na ang nakaratay niyang ina, kalakip ang mga litrato ni Mommy Leonila kasama ang kanyang pamilya.

Caption ni Aicelle (published as is): "Ma, this is us lately (2nd-4th photo), hinihintay ang iyong paggising. pangatlong picture, nagdarasal diyan si Zandrine na pagalingin ka na ni Papa Jesus.

"It's been 16 long days. Lalong mahirap pag sumasapit ang gabi."

Hindi pa rin binabanggit ng Kapuso singer ang sakit ng kanyang ina, ngunit patuloy siyang umaasang gagaling ito dahil sa pananalig ng kanyang pamilya sa Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Buo ang pananalig namin sa Panginoon..Na bukas gigising ka na parang walang nangyari, na wala ka ng sakit.

"And we declare life upon you and complete healing in the mighty name of Jesus!"

Dagdag pa ni Aicelle, "We miss you ma! Gising ka na po!"

Sa comments section ay muling bumuhos ang panalangin at pagdamay ng kanyang mga kaibigan at tagasuporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Aicelle Santos mom in critical condition

Aicelle Santos mom in critical condition

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aicelle Santos on her mom Leonila: "We miss you ma! Gising ka na po!"
PHOTO/S: AICELLE SANTOS INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results