Babaeng sawi sa pag-ibig, nag-videoke at winasak ang TV

by KC Cordero
Sep 8, 2022
Ederliza Pelamin and her friends inside the jail, and the broken stuff inside the videoke booth
Kalaboso ang inabot ni Ederliza Pelamin at tatlo pa niyang kasama matapos niyang magwala at wasakin ang mga gamit sa isang videoke bar. Sawi umano si Ederliza sa pag-ibig, at dito niya naibunton ang kanyang sama ng loob.

Apat na customers, tatlong babae at isang lalaki, ang pumasok sa videoke bar na pinangangasiwaan ni Jomar Cabaltera sa Barangay Bulacao, Cebu noong September 5, 2022.

Naobserbahan niya na nakainom na ang mga ito, pero dahil customer ay in-entertain niya ang mga ito at pinayagang kumuha ng videoke booth.

Ayon kay Jomar, noong una ay maayos naman ang mga ito, at nag-order ng maiinom.

Pero hindi nagtagal, ang isa sa mga ito na nakilalang si Ederliza Pelamin, 27, ay nagsimulang maging bayolente at nagwala sa loob ng videoke booth.

Napilitan si Jomar na tumawag ng pulis.

The broken TV

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang dumating ang mga pulis, wasak na ang TV sa loob ng videoke booth at hindi na puwedeng magamit pa.

Tanggal din ang cover ng air-conditioning unit.

Punit-punit naman ang upholstery ng mga upuan.

Ang itinuro ng grupo na sumira sa mga gamit sa videoke booth ay si Ederliza.

Pero dinampot din ng mga ito ang kapatid ni Ederliza na si Princess Faye, 24, at ang mga kasama na sina Kisha-Ann Ambos, 29, at Renz Alec Rodriguez, 25.

Ang apat ay sinampahan na ng management ng kaso.

Ederliza Pelamin and her friends inside the jail

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Inayawan Police Station, nagpalipas ng gabi ang apat sa piitan sa presinto.

Batay naman sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, kadarating lang ni Ederliza sa Bohol kasama ang tatlong anak.

Napag-alamang iniwan ito ng live-in partner, at iyon ang dahilan kaya ito nagpakalasing at nagwala sa loob ng videoke booth.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kalaboso ang inabot ni Ederliza Pelamin at tatlo pa niyang kasama matapos niyang magwala at wasakin ang mga gamit sa isang videoke bar. Sawi umano si Ederliza sa pag-ibig, at dito niya naibunton ang kanyang sama ng loob.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results