Herlene Budol "magta-Tagalog" in Miss Planet International

by Jerry Olea
Sep 10, 2022
Herlene Budol on Miss Planet International
Herlene Budol will use an interpreter in Miss Planet International pageant. She says, “Hindi talaga ako marunong mag-English na isang straight-an."
PHOTO/S: Herlene Budol on Facebook

Lalaban si Herlene Budol sa Miss Planet International sa Nobyembre 19, 2022 sa Uganda, at makakaroon daw siya ng interpreter.

“Opo, magta-Tagalog po talaga ako. Hindi nga ako nagkukunwari. Totoo nga ito!” bulalas ni Herlene.

“Hindi talaga ako marunong mag-English na isang straight-an. Ganito lang, mga ano lang, para ka lang hipon. Pisu-piso lang.”

READ: Herlene Budol on answering Binibining Pilipinas 2022 question in Filipino: "Huwag matakot maging iba!"

Magiging pasabog din ba ang mga damit at costume niya sa Miss Planet International?

“Sir Wilbert [Tolentino], paghihinalaan mo nang hindi maganda?! Ay, mima, o! Charot! Hindi, talagang kay Sir Wilbert ako, ano?!” pagdidiin ni Herlene. “Pag sinabing Sir Wilbert, hindi yun magtitipid sa mga ano, di ba? Sabi sa iyo, e!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa mediacon ng Rejuviant nitong Setyembre 7, Miyerkules, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Katuwang ni Herlene bilang ambassador ng Rejuviant (portmanteau ng “rejuvenate” at “radiant”) si Jessy Mendiola. Pino-promote ni Herlene ang Cocoberry body wash at lotion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa preparasyon niya para sa susunod niyang pageant, nahihirapan daw si Herlene sa pasarela.

Himutok niya, "Kasi nakakapaltus-paltos ng paa...pero kinakaya naman, e. Nung Binibini nga, imagine-in nyo yun? Kahit ako, hindi ko na-imagine yun.”

Sa virtual mediacon ng digital romcom series niyang Ang Babae Sa Likod ng Face Mask noong Marso 16, 2022, nagulat at tila hindi makapaniwala ang host nang usisain ng PEP.ph si Herlene kaugnay sa preparation niya sa pagsali sa beauty pageant.

“Akala nga po nila, it’s a prank, e! Akala ko din, e! Actually, kahit ako, nabigla lang, e,” pag-amin ni Herlene.

“Di ba, sabi ko nga sa vlog ko, nung una, ang minotivate sa akin ni Sir Wilbert, bahay at lupa. “Sinong tanga na hindi… ‘Uy, bhi, bibigyan kita bahay at lupa, sumali ka lang!’ O, ikaw, papayag ka, di ba?

“Di ba, ako din, yun ang mindset ko. Bahay at lupa, kapalit? Gagawin ko lahat ng puwede mong gawin, siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit naman magtrabaho ako ng sampung taon, hindi ko makukuha yung ganun kalaking bahay. Yun, praktikalan lang po.”

READ: Herlene Budol proudly shows "Budol residence" to family

Sa kanyang Rejuviant presscon, kinumusta ang bagong bahay na ibinigay sa kanya ng manager niyang si Sir Wilbert?

Sagot ni Herlene na may pagbuntong-hininga, "Nag-iipon lang po kami ng mga gamit kasi, hindi ko po kayang biglaan na punuin yun.

“May mababait pong mga tao na nag-sponsor ng aircon, ng mga kama, mga keme. So inuunti kong mapuno para hindi na ako gumastos. Shout-out ko nga pala sa mga sponsors! Punuin niyo po ang bahay ko!”

WHAT HERLENE BUDOL LEARNED FROM BB. PILIPINAS

Ano ang unang-unang natutunan niya sa Binibining Pilipinas na hindi niya makakalimutan?

“Disiplina po sa sarili. Number 1 po, disiplina sa sarili. Ngayon po, bawal na akong masyadong mag-pekpek short pag lumalabas,” mabining tugon ni Herlene.

“Hindi naman masama ang pekpek short. Kumbaga, parang ano… inaayon mo din yung ano mo, yung suot mo, yung asta mo, yung galaw mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako nga, na-miss ko yung ganitong salita. Dati, ganun sa Binibini. Hirap na hirap ako, e!” pagmumuwestra ni Herlene.

“Mapagpanggap pala, ano? ‘Opo, opo.’ Siyempre ngayon, nilalabas ko na. Wala na, tapos na ang Binibini.

“Sa Planet na tayo, hindi na nila alam ito! Planet International na tayo, so hindi na."

Hindi rin daw niya iniinda ang mga bashers sa social media.

“Masama ba ang ginagawa kong ganito ako magsalita? Ganito kasi ako talaga magsalita. E, sabi, masyadong…

“Nagbabasa kasi ako ng mga comment, e. ‘Hindi ka ano, hindi mo deserve.' 'Hindi mo kailangang sumali diyan, ang ano ng bunganga mo!’ Ay, beh!”

NO MORE PAGEANTS FOR HERLENE

Okay lang ba sa kanya na first runner-up lang siya sa Bb. Pilipinas? Masaya na ba siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon?

“Oo! At least may crown ako. Yun na yun, hindi mo na kailangang maghangad pa ng ibang bagay na hindi ibinigay sa iyo, baka hindi para sa iyo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May para sa iyo talaga. Kasi, para sa akin, hindi maliit na bagay yung first runner-up, e.

“Hindi maliit na bagay yung maliit kong crown. Ay! Para sa akin, anlaking bagay na dinala sa buhay ko iyan.

“Actually, parang… napunan niya yung mga kulang ng pagkatao ko dati.”

Naghahangad ba siya na makasungkit talaga ng title sa Bb. Pilipinas o sa iba pang timpalak sakaling Lotlot de Leon (swardspeak for matalo) siya sa Miss Planet International?

“Hindi na po ako sasali talaga ng Bb. Pilipinas. Closed na po yun talaga, sure na po ako talaga.

“Ahh, sa Planet International na rin po siguro yung last ko. Kaya gagawin ko ulit yung best ko gaya ng ginawa ko sa Binibini.

“Siguro, hindi pa po yung best ko sa Binibini, pero… I did my best, but my best was not good enough,” pag-awit ni Herlene.

HERLENE'S NEXT TV PROJECT

Samantala, naghahanda na si Herlene para sa taping ng isang Kapuso afternoon drama series umpisa Oktubre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magwo-workshop ako."

“Actually, buong buhay ko, ngayon lang ako magwo-workshop. Yung mga dating akting ko, akin lang yun, e. Base lang yun sa karanasan ko sa buhay.

"Pero ngayon, mag-a-acting workshop na ako! So siguro ano, may ano. Sana may madagdag sa knowledge ko about sa pag-acting. Kasi, gagalingan ko talaga, kasi first lead role ko ito, di ba?

“Yung mga pinaggagawa ko dati, yun lang din po ang mga ano ko, e. Mga ginagawa ko, mga turo rin ng mga artistang nagga-guide po sa akin.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
herlene budol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol will use an interpreter in Miss Planet International pageant. She says, “Hindi talaga ako marunong mag-English na isang straight-an."
PHOTO/S: Herlene Budol on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results