Pauleen Luna sees no problem with Vic Sotto’s children calling her by her name

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2022
pauleen luna vic sotto
Pauleen Luna (left photo, left) speaks up about her relationship with husband Vic Sotto's (left photo, right) children. Right photo: Vic's (center) children (clockwise) Oyo Sotto, Danica Sotto, Tali, and Mayor Vico Sotto. Not in the picture is Paulina Sotto-Llanes.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

Hindi isyu kay Pauleen Luna, 33, na tawagin siya sa first name niya ng kanyang stepchildren.

Si Pauleen ay may apat na stepchildren sa mister na si Vic Sotto, 68.

Hindi nalalayo ang edad niya sa mga anak ni Vic na sina Danica Sotto, 40; Oyo Sotto, 38; Pasig Mayor Vico Sotto, 33; at Paulina Sotto-Llanes, 31.

Sina Danica at Oyo ay mga anak ni Vic sa una niyang asawa na si Dina Bonnevie.

Si Mayor Vico ay anak ng veteran comedian-TV host sa aktres na si Coney Reyes.

Si Paulina ay anak naman ni Vic sa dating actress-model na si Angela Luz.

Sina Vic at Pauleen ay may isa ring anak: si Tali, 4 years old.

“Parang di pa rin ako sanay!” natatawang sabi ni Pauleen tungkol sa pagiging madrasta niya sa mga anak ni Vic.

Sa YouTube vlog ni Camille Prats nitong September 8, 2022, tinanong si Pauleen kung ano ang tawag sa kanya ng mga anak ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My name. I have no issues with it,” mabilis na sagot ni Pauleen.

Ayon sa actress-TV host, maraming nag-uusisa sa kanya tungkol dito pero iginiit niyang hindi isyu kung tawagin man siya sa pangalan niya ng mga anak ni Vic.

“Andaming nagtatanong, ‘Ah, bakit ganyan?’ You know, wala akong isyu, huwag niyong problemahin.

“May pangalan ako. Okay na iyon," sabi ni Pauleen.

Inusisa ni Camille kung hindi ba siya tinatawag na “ate,” “tita,” o “mudrabels.”

Katuwiran ni Pauleen, “I’m very much okay with just my name. Okay naman iyon.

“Alam mo, there’s more to that. Hindi naman lang iyon ang basehan na nirerespeto ka nila.”

“ORGANIC” RELATIONSHIP WITH VIC’S KIDS

Paliwanag pa ni Pauleen, may maganda siyang relasyon sa mga anak ni Vic.

Sabi niya, “I’m gonna quote Danica. Sabi niya, ‘Lahat ito, this is all organic. Walang pinilit, walang pinuwersa.’ Kumbaga, everything fell into place.

“Siyempre, mahal ko sila lahat. Anak sila ng asawa ko, e. That will never change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They are my stepchildren. Kahit anong mangyari sa mundo, kahit mabaliktad man ito, mahal ko sila. Pamilya ko sila. That will not change.

“May challenges man tayong maharap, hindi magbabago iyon. My intentions will always be good for them.”

VIC SOTTO HAVING MANY LAYERS

Inilarawan din ni Pauleen kung paano si Vic bilang asawa.

Lahad ng Eat Bulaga! host, maraming layers si Vic.

“He’s very different in the house. Normal, super normal.

“Hindi mo siya makikita as Vic Sotto, the person that you see on TV, the person that you see on billboard...

“Sobrang iba. We’re a very normal couple.

“Si Vic, marami siyang layers: there’s this Eat Bulaga! or the comedian layer, ang daldal...

“Tapos may isa pa siyang layer pag backstage. Pag hindi mo siya masyadong kilala, tahimik.

“And then there’s another layer pag komportable.

“And the last layer, ako na lang nakakakita, which is wala na talaga siyang wall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami talaga siyang layers, e. He’s very shy, e.

“He’s always mistaken as suplado, pero shy lang siya talaga.

“Parang medyo awkward. He doesn’t know how to start a conversation.”

Sina Vic at Pauleen ay ikinasal noong January 2016.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna (left photo, left) speaks up about her relationship with husband Vic Sotto's (left photo, right) children. Right photo: Vic's (center) children (clockwise) Oyo Sotto, Danica Sotto, Tali, and Mayor Vico Sotto. Not in the picture is Paulina Sotto-Llanes.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results