Deanna Wong reveals craziest thing she did for love

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2022
Deanna Wong on love
Deanna Wong: “Paano ako? For me, kasi kilala ko naman talaga, ako yung taong kilala yung sarili ko, totoo.”
PHOTO/S: Courtesy: @deannawongst on Instagram

Paano ba magmahal ang volleyball star na si Deanna Wong?

Ito ang sinagot ni Deanna sa panayam sa kanya ni Luis Manzano sa vlog nitong "Luis Listens" na lumabas nitong nakaraang September 6, 2022.

Deanna Wong on love

Sa nasabing interview, muling binalikan ni Luis ang pagsisimula ni Deanna sa volleyball hanggang sa pagsikat nito sa larangan ng palakasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang bahagi ng usapan nila, naitanong ni Luis kay Deanna kung paano ito pag in love o nagmamahal?

Deanna Wong on love

Isang word lang ang hiningi ni Luis bilang paglalarawan kung paano siya kapag nagmahal.

Sagot ni Deanna: “Paano ako? For me, kasi kilala ko naman talaga... ako yung taong kilala yung sarili ko, totoo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot na ba siya sa puntong umiikot lang ang kanyang mundo sa taong minahal niya?

Aniya, “I admit I was in that stage before. Pero siyempre, sabi ko nga, through every situation, you get to learn from those experiences. So now you get to balance stuff na.”

Ano naman ang craziest thing na nagawa niya for love?

Tugon ni Deanna, “Parang in general, I think I was able to sacrifice things na hindi ko akalain na masa-sacrifice ko.”

Hindi man nabanggit sa buong panayam ang pangalan ng napapabalitang malapit sa puso ngayon ni Deanna na si Ivy Lacsina, hayag naman na sa publiko na nag-level up ang relasyon ng dalawa.

Nitong nakaraang August 29, ibinahagi ng F2 Logistics volleyball player na si Ivy ang sweet travel photos nila ng rumored partner na si Deanna, na naglalaro para sa koponan ng Choco Mucho Flying Titans sa Premiere Volleyball League (PVL).

Sabi ni Ivy sa caption: “Go around the world with you my greatest adventure [sparkles emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ni Deanna sa post ni Ivy, “Ur a planet in my galaxy [smiling, sparkles, dizzy, globe emojis]”

Read: Volleyball players Deanna Wong, Ivy Lacsina exchange sweet messages on Instagram

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deanna Wong: “Paano ako? For me, kasi kilala ko naman talaga, ako yung taong kilala yung sarili ko, totoo.”
PHOTO/S: Courtesy: @deannawongst on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results