Regine Velasquez, Robi Domingo jokingly pray to Vice Ganda’s portrait along ABS-CBN hallway

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2022
Vice Ganda "pagdasal" reaction
Vice Ganda jokingly "confers" to Regine Velasquez and Robi Domingo's viral "pagdasal" photo beside his portrait along ABS-CBN hallway.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kinaaliwan ng netizens ang post ni Regine Velasquez sa Instagram kahapon, September 8, 2022.

Kasama niya sa picture ang katrabaho sa Idol Philippines Season 2 na si Robi Domingo.

Makikitang nasa hallway sila ng ABS-CBN kung saan may mga naka-display na mga malalaking larawan ng sikat na talents at personalidad ng network.

Makikita sa gilid nila ang larawan ng kasamahan din sa Kapamilya network na si Vice Ganda, na dating hurado sa Idol Philippines Season 1.

Sabi ni Regine sa caption, hindi nila mawari kung nagagandahan ba sila kay Vice o nais nila itong utangan.

Buong caption ng Asia's Songbird: “Yung hindi nyo masyadong mapagtanto kung nagagandahan kayo sa mayaman nyong office mate o balak nyo lang utangan [face with tears of joy emojis] @iamrobidomingo @praybeytbenjamin @idolphilippines goodNate [face throwing a kiss emoji]”

Tawang-tawa naman si Robi dito.

Komento niya, “[praying hands, face with tears of joy emojis] tayo ay humingi ng kahilingan sa birtud.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Vice Ganda

Napansin naman kaagad ito ni Vice.

Pabiro niyang binasbasan ang dalawang kaibigan.

Aniya, “Sumainyo ang kapangyarihan ng Mahal na Bertud! [zany face emojis]”

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Madam Bertud ang karakter ni Vice sa It’s Showtime na nagbibigay ng “witty” advice pagdating sa mga problema.

Aliw na aliw naman sa post ni Regine sina Melai Cantiveros, Gary Valenciano, Jolina Magdangal, at iba pa.

Vice Ganda

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda jokingly "confers" to Regine Velasquez and Robi Domingo's viral "pagdasal" photo beside his portrait along ABS-CBN hallway.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results