Beauty queen humagulgol matapos sigawan ng direktor sa set

by Noel Orsal
Sep 11, 2022
Sino si beauty queen na napahagulgol matapos sigawan ng direktor?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Nakakaawa ang hitsura ng isang beauty queen matapos masigawan ng direktor sa harap ng maraming tao sa set.

Hindi kasi maibigay ng beauty queen ang karampatang emosyon para sa eksena kaya nagpaulit-ulit ito sa take.

Na-high blood siguro si direktor kaya napasigaw ito at nagmura pa.

Tuloy, pakiramdam ng beauty queen at pinagkaisahan siya ng universe at napahagulgol ito nang bongga.

Sa mga sandaling iyon ay wala nang keber sa poise si beauty queen, na kung tutuusin ay sanay naman sa grace under pressure dahil dumaan ito sa rigid training during her pageant days.

Pero shookt siguro siya dahil napahiya, at tingin ng isa sa mga nakasaksi ay na-trauma siya.

Samantala, kilala ang direktor sa pananalak at paninigaw sa set. Kung tutuusin, nag-mellow na raw siya. Pero hindi raw talaga ito makapagpigil kung take nang take dahil hindi naghanda sa eksena ang artista.

Pero hindi siya namemersonal.

At pagkatapos ng talak, mura, at sigaw, back to work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Beauty Queen, blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino si beauty queen na napahagulgol matapos sigawan ng direktor?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results