Agot Isidro claps back at basher after “funeraria look” comment

by Arniel C. Serato
Sep 11, 2022
Agot Isidro kilay selfie
Singer-actress Agot Isidro did not mince words in her response to basher trying to insult her looks.
PHOTO/S: Courtesy: @agot_isidro on Twitter

Hindi pinalampas ng singer-actress na si Agot Isido ang isang netizen na kinutya siya sa Twitter.

Kahapon, September 10, 2022, nag-post si Agot ng kanyang selfie.

Black and white ito kung saan kitang-kita ang kanyang kilay na nakataas.

Sabi niya sa caption, “So sino ang tataasan natin ng kilay today?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang basher ang walang kapreno-prenong pinintasan ang picture ni Agot.

Kaya raw naka-black and white ang selfie ni Agot ay upang hindi mahalata ang kanyang “funeraria look.”

Buong komento ng netizen: “Kaya ginawang black and white para hindi masyadong halatang funeraria look.”

Agot Isidro basher

Hindi naman siya inatrasan ni Agot.

Ni-retweet ni Agot ang nasabing komento kasama ang original photo niyang hindi naka-black and white.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang basher daw ang masuwerteng nakatanggap ng pagtataray niya sa taas ng kanyang kilay.

Sagot ni Agot (publishefd as is): “Gagu. Yan, Ikaw ang nabiyayaan ko ng taas kilay. In full color. Kasi ang idea nyo ng gwapo ay si S***** *****s”

Hindi na siya sinagot ng basher pero hindi nito binura ang kanyang original comment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami naman ang kumampi kay Agot laban sa basher.

Maraming pagkakataaon na sa nakaraan na hindi inaatrasan ni Agot ang kanyang bashers, na karamihan ay taliwas ng paniniwala niya sa politika.

Nananatili naman siyang wagi laban sa mga ito.

Read: Agot Isidro to trolls saying her face is "walang kwenta... abnormal": "Ganda ka?"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Agot Isidro did not mince words in her response to basher trying to insult her looks.
PHOTO/S: Courtesy: @agot_isidro on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results