Rita Daniela slams "fake news" about breakup with her baby's father

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 12, 2022
Rita Daniela pregnancy fake news
Rita Daniela: "My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin."
PHOTO/S: RITA DANIELA FACEBOOK

Mariing itinanggi ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela na hiwalay na sila ng ama ng ipinagbubuntis niya ngayon.

Read: Rita Daniela confirms pregnancy

Kaugnay ito ng mga ulat na lumabas noong September 7, 2022 na nag-break na sila ng kanyang non-showbiz businessman boyfriend na siya ring ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Ayon pa sa ulat, ito raw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring pangalanan ni Rita ang ama ng kanyang magiging anak.

Nitong Linggo, September 11, 2022, sa pamamagitan ng magkasunod na Facebook posts, ibinahagi ni Rita ang mga artikulong lumabas, kalakip ang caption na nagsasabing walang katotohanan ang mga ito.

Una niyang ibinahagi ang lumabas na artikulo mula sa Kapuso Celebrity na ngayon ay burado na.

Caption ni Rita (published as is): “FYI [for your information], I have never been interviewed by anyone else than Kuya Nelson Canlas of GMA News/Showbiz Report about my pregnancy and personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments.

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way.

"Wala po akong ginagawang masama sa inyo, Kapuso Celebrity. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan naman sa kanyang mga tagasuporta ang nag-comment at nag-screenshot sa artikulong ipinost ng Pilipino Star Ngayon, na sinasabing mas nauna raw naglabas ng nasabing balita.

Rita Daniela pregnancy

Nakarating ito kay Rita at agad niya ring ipinost ang artikulo.

Caption niya, “So, this is the source. This page proudly edited a picture of me with their headline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Proud sila sa fake news. Don’t support this page for they are spreading fake news.

“But the damage has done. Nakapag komento na ang mga tao at naniniwala na sila dito. Nakapag judge na rin sila.”

Dagdag pa niya, “Netizens, not all you see online and on social media are facts — including this page.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 26, 2022, sa "Queendom" segment ng All-Out Sundays unang inanunsiyo ni Rita ang kanyang pagbubuntis.

Read: Rita Daniela to her unborn baby: “I can’t wait to meet you, anak.”

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapakilala ni Rita sa publiko ang ama ng kanyang dinadala.

READ MORE:

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela: "My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin."
PHOTO/S: RITA DANIELA FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results