Maricar Reyes, married for nine years, on being childless: “Kung wala, e, wala.”

by Bernie V. Franco
Sep 12, 2022
maricar reyes
Maricar Reyes has been married to Richard Poon for nine years but they have no child yet. She says, “Pero wala, e. So what are you gonna do?”
PHOTO/S: YouTube (Rica Peralejo-Bonifacio)

Siyam na taon nang kasal ang aktres na si Maricar Reyes, 41, sa singer na si Richard Poon, 41, pero hindi pa sila nagkakaanak.

Ayon kay Maricar, hindi sila nagkulang ni Richard sa pagsubok pero sadyang hindi pa sila nabibiyayaan ng supling.

Ikinasal sina Maricar at Richard noong 2013.

Paliwanag ng aktres sa YouTube vlog ni Rica Peralejo nitong September 11, 2022, “Ikinasal kami, we really planned on not having kids for the first two years.

"And then after that puwede na. And then we even got checked, ganyan.

"There’s no problem with him, there’s no problem with me.

“Feeling ko, we did our due diligence naman on our side humanly possible.

“Pero wala, e. So what are you gonna do?”

rica peralejo maricar reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iniisip daw nila noon ng kanyang mister ay maaari siyang mabuntis anumang oras, pero hindi pa ito nangyayari hanggang ngayon.

Hindi ba nakararamdam ng pagkainggit si Maricar na hindi pa siya nagkakaanak?

Sagot ni Maricar, “Honestly, kaya minsan hindi ko alam kung weirdo talaga ako… Hindi [ako naiinggit].

“If there is anything, I don’t know… I super naturally got from God, ewan ko…

“Meron lang talaga akong peace. Kung meron [anak], okay. Kung wala, okay.

“It doesn’t make me feel like I’m less of a person or I’m less of a female.

“Kung wala, e, wala. E, ginawa mo na yung part mo, e. And I rest on that.”

Hindi naman daw niya binabalewala kung may mga babaeng nakakaramdam ng lungkot dahil naghahangad magkaanak pero hindi pa nabibiyayaan.

“Not to discredit women who don’t have the peace, kaya lagi akong may disclaimer na hindi galing sa akin to, e," sabi ni Maricar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Some things God makes easy for you, and some things God makes a little more challenging.”

Sa ngayon ay tinututukan ni Maricar ang kanyang food business na made-to-order dishes at desserts.

Kapansin-pansin ding hindi aktibo ngayon sa pag-arte si Maricar.

Iiwan na ba niya ang pag-aartista?

“Hindi ko sinasara yung pinto. Pero ngayon, hindi ko siya priority,” sagot niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricar Reyes has been married to Richard Poon for nine years but they have no child yet. She says, “Pero wala, e. So what are you gonna do?”
PHOTO/S: YouTube (Rica Peralejo-Bonifacio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results