Barbie Imperial on rumor linking her to Daniel Padilla: "Nahiya ako kay Kath."

by Rachelle Siazon
Sep 12, 2022
Barbie Imperial, Daniel Padilla, and Kathryn Bernardo
Barbie Imperial (left) on rumored romance with Daniel Padilla after she was seen at his house last December 2022: "So for me, 'Talaga ba?' Kung may gagawin akong masama nandun yung Beks Batallion, nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman... And nirerespeto ko kung ano meron si Kath and DJ." Seen with Daniel on the right photo is his longtime girlfriend Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: @msbarbieimperial / @bernardokath Instagram

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Barbie Imperial, 24, sa pang-iintriga sa kanila ni Daniel Padilla, 27.

Nabigyan ng malisya ang pagbisita ni Barbie sa bahay ng pamilya ni Daniel noon pang December 27, 2021.

Saktong nangaroling ang Beks Batallion sa ina ni Daniel na si Karla Estrada, at nakunan sa video si Barbie na kasama ni Karla.

Read: Daniel Padilla slams rumor linking him to Barbie Imperial; Kathryn Bernardo says she's "alagang Ford"

Walang paliwanag kung bakit naroon si Barbie, at iyon ang nilinaw ng aktres sa kanyang vlog kahapon, September 11, 2022.

"Nanahimik talaga ako, e, as in nung time na yun, nung nangyari yung tsismis na yun.

"Siyempre nahiya ako unang-una kay Kath, kasi anong iisipin niya," tukoy ni Barbie sa nobya ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Ang sinadya raw talaga ni Barbie ay si Karla at kapatid ni Daniel na si Maggie.

"Pero kasi, pumunta ako ng bahay ni Tita Karla kasi, first, kaibigan ko si Tita Karla and si Maggie kaibigan ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And nung pumunta ako dun, sobrang kaka-break lang actually namin ni Diego nun. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan si Ate Ara, si Tita Karla.

"So, pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si Mama dito."

Malapit si Barbie sa dating co-star na si Ara Mina at pati na rin kay Karla na parehong sumusuporta sa kanya nang maging nobyo niya si Diego Loyzaga.

Isang taong naging magkasintahan sina Barbie at Diego, pero natuldukan iyon noong December 2021.

"Ayoko kasi na pag kaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom—hindi ganun.

"Parang lalapit ako dun sa mom talaga mag-advice. Para fair yung advice, si Tita Karla, kasi parang anak-anakan din niya si Diego.

"So, pumunta ako dun. Wala si DJ dun. Andun lang si Tita Karla, si Maggie... Nandun din yung Beks Batallion," paglilinaw ni Barbie.

DJ ang palayaw ni Daniel.

ON RESPECTING DANIEL AND KATHRYN'S RELATIONSHIP

Diin pa ni Barbie, hindi siya ang tipo na papatol sa may karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So for me, 'Talaga ba?' Kung may gagawin akong masama, nandun yung Beks Batallion, nasa vlog pa ako. Ang bobo ko naman.

"So, walang truth yun.

"And nirerespeto ko kung ano meron si Kath and DJ. Sa lahat ng couples nire-respect ko yun."

Sinasabing may lumabas ding tsismis na, "DJ comforted and hugged you while you were crying over Diego."

Gulat na reaksiyon ni Barbie, "Saan galing yun? No, not true!

"Wala ako ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman yung about this tsismis. Pero hindi totoo."

Nang lumabas naman ang isyu noong Enero 2022 ay mismong si Daniel ang naglabas ng pahayag na "nonsense" ang pag-uugnay sa kanila nila Barbie.

Sina Daniel at Kathryn ay nagdiwang ng 10th anniversary nilang bilang couple noong May 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial (left) on rumored romance with Daniel Padilla after she was seen at his house last December 2022: "So for me, 'Talaga ba?' Kung may gagawin akong masama nandun yung Beks Batallion, nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman... And nirerespeto ko kung ano meron si Kath and DJ." Seen with Daniel on the right photo is his longtime girlfriend Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: @msbarbieimperial / @bernardokath Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results