Katips camp files cyber libel case vs Juliana Parizcova Segovia

by Julie E. Bonifacio
Sep 13, 2022
vince tanada with trophy
Katips producer, director and lead star Vince Tanada (left) confirms that his co-producer, Atty. Roni Rodillas, has already filed a cyber libel case against comedian Juliana Parizcova Segovia (right). This stems from the comedian's misleading allegation regarding Tanada's harvest of awards at the recent 70th FAMAS Awards.
PHOTO/S: Instagram

Para sa producer, director, at lead star ng Katips na si Vince Tañada, malisyoso ang naging pahayag ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia sa social media tungkol sa kanilang pelikula.

Si Vince, na isa ring abogado at founder ng Philippine Stagers Foundation theater company, ang itinanghal bilang Best Actor at Best Director sa 70th edition ng FAMAS Awards na ginanap noong July 30, 2022.

Nagwagi si Vince para sa Katips, isang musical film na tumatalakay sa panahon ng martial law.

Pero ayon sa akusasyon ni Juliana sa social media, kaya raw nanalo si Vince sa FAMAS ay dahil naging direktor ito ng FAMAS Awards.

juliana parizcova segovia post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

juliana parizcova segovia post

Read: Juliana Parizcova Segovia, kinuwestiyon ang paghakot ng awards ng Katips sa 70th FAMAS Awards

Pahayag ni Vince sa mga paratang ni Juliana, “Well, siyempre nagdirek ako ng online FAMAS nung 2021, 'no? Siyempre, kinuha ang aking serbisyo. Alam ninyo naman na ako’y live show director. Hindi talaga ako movie director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami na akong naidirek na mga awards night. Hindi lang FAMAS. Marami na, ano? Aliw Awards at kung anu-ano pa. Golden Wheel Awards at kung anu-ano pa.

“E, kinuha ang aking services ng last year. Pero wala pa akong pelikula noon. Ni hinagap na gagawa ako ng pelikula pa that time, wala. March of 2021, wala pa.

"So, nung gumawa naman ako ng pelikula, hindi naman ako ang kinuha ng FAMAS. So, wala namang problema.

“Sabi ko nga, kapag ba si Piolo [Pascual] kinuha ng FAMAS, hindi na ba siya puwedeng manalo ng Best Actor sa mga susunod?

"O kaya naman si Regine [Velasquez] kinuhang singer ng FAMAS, hindi na siya puwedeng makuhang Best Actress? Hindi naman ganoon.

“Siyempre we are just… our service was procured at tayo ay binayaran naman doon. Trabaho ko yun at hindi ko naman puwedeng tanggihan. Kaya tinanggap ko naman yun.”

Sa kabila nito, maraming netizens ang naniwala sa post ni Juliana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa ni Vince, “Kasi nga, ang ginawa ni Juliana, ini-splice niya yung video nung 2021 FAMAS. Kinuha niya yung credits noon at nakitang ako ang direktor.

“Malisyoso yung kanyang ginawa, 'no? Yun ay talagang krimen. Yung kanyang ginawa ay isang malisyosong pag-atake para naman umatake ang kanya pang mga tagasuporta.

“So, yun ay kanyang pinag-isipan at yun ay nag-cause ng damage sa part ng Katips. Kasi inakala ng lahat na ako ang nagdirek at ako rin ang nanalo. So, yun ang kailangang linawin. At hindi naman niya yun nilinaw.

“In fact, ginawa pa niya yung malisyoso yung kanyang post. At hindi niya sinabi na yun ay noong nakaraang taon yun, ganoon. Pero ang sinabi niya yun ay ngayon. Kaya yun ay ano, dapat sigurong maparusahan.”

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Vince sa presscon para sa world tour ng Katips. Ginanap ito last Wednesday, September 7, sa Philippine Stagers Foundation Blackbox Theatre sa G. Tuazon St., Sampaloc, Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEGAL IMPLICATIONS

Bilang abogado, hindi raw niya puwedeng palampasin ang ginawa ni Juliana.

“Kaya nga may karampatang parusa ang paggawa ng krimen kasi this is also a good deterrent for future crimes to be committed. E, hindi naman basta sinabing freedom of expression, walang hangganan.

"Meron din siyempre iyan hangganan katulad nga ng nakalagay sa ating criminal law, yung tungkol sa libel law at cybercrime law na dapat ding respetuhin iyan,” diin pa niya.

Dahil diyan, naghain ng reklamo ang producer na partner ni Vince sa Katips na si Atty. Roni Rodillas.

Saad ni Vince, “Ang magpa-file kasi ng kaso noon ay yung isa naming producer na producer din namin dito sa Katips na abogado.

"Medyo nasaktan sila dahil libelous nga raw yung sinabi ni Juliana kaya sila ang magdedemanda. Hinihintay na lang natin, ang alam ko nai-file na yun sa piskalya.

"So, parang bibigyan na lang ng kopya ng complaint affidavit yata. So, yun ang hinihintay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cyber libel daw ang isinampa.

Umusad na ba ang kaso?

Pagkumpirma niya, “Last week kasi, sabi ni Atty. Roni, na-file na raw nila sa fiscal. Yung prosecutor, magpapadala iyan siguro ano, bibilang iyan ng ilang araw, kasi thru registered mail ipinapadala ang complaint affidavit, e.

“Ngayon, kung kailan niya matatanggap, doon naman siya papatawag at pupunta siya doon para mag-submit ng counter affidavit niya. At ang alam ko, it was filed sa Quezon City.”

Bukod sa producer ng Katips, inalmahan din ng isa sa cast member ng pelikula na si John Rey Rivas ang patutsada ni Juliana sa pagkakapanalo niya bilang Best Supporting Actor.

“Parang sinama-sama na po,” hinaing ni John Rey.

Kinumpirma ito ni Vince at sinabihan ang business partner niya na si Atty. Roni na tanungin ang FAMAS kung may plano rin silang ireklamo si Juliana sa korte.

“Sinabi ko rin kay Atty. Roni, ‘Why don’t you ask FAMAS also?’ Kasi, baka sila rin ay aggrieved party. Kasi siniraan sila na hindi credible ang kanilang award-giving body.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, kausapin din. I was able to talk to the president of FAMAS and she said she will think about it.”

If ever mag-sorry si Juliana dahil sa post nito laban sa Vince at sa pelikulang Katips, mabilis na "oo" ang sagot ng actor-director nang tanungin kung papatawarin niya ito.

Mahinahon niyang pahayag, “Oo, kasi hindi naman ako yung nag-file ng kaso.

"So, alam mo naman, matagal na rin ako sa entertainment industry, hindi lang sa pelilkula pero sa teatro.

“Maliit lang ang mundo natin, e. Magkakasalubong at magkakasalubong pa rin, kaya sa palagay ko, sa mundo ng pelikula, wala kang permanenteng kaibigan, wala ka ring permanenteng kaaway.

“Ang mahalaga, basta healthy yung pagtatrabaho mo, ganoon. Puwede naman siyang mag-sorry sa akin. Pero hindi ako ang nasaktan niya, e.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katips producer, director and lead star Vince Tanada (left) confirms that his co-producer, Atty. Roni Rodillas, has already filed a cyber libel case against comedian Juliana Parizcova Segovia (right). This stems from the comedian's misleading allegation regarding Tanada's harvest of awards at the recent 70th FAMAS Awards.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results