"Katips" actor-director Vince Tañada unfazed by death threats

by Julie E. Bonifacio
Sep 14, 2022
vince tanada with flowers
Vince Tanada on how much Katips earned at the box office: “Kapagka-nag-padding ako sa tunay na kinita namin, e, di parang part na rin ako ng fake news na nilalabanan ko. Kapag sinabi ko naman ang katotohanan at hindi ako nag-padding, sasabihin naman nung kabila, ‘Ahh, sabi ko na talo kayo, e.’ Kaya mas mabuti na lang na tumahimik, tutal wala naman akong obligasyon kaninuman na sabihin kung magkano ang kinita ng pelikula."
PHOTO/S: Vince Tanada Facebook

Kinumpirma ni Vince Tañada ang balitang may death threats sa kanya.

Si Vince ang producer, director, at lead actor ng award-winning drama musical film na Katips, na tumatalakay sa martial law.

Read: Vince Tanada thankful for harvest of FAMAS awards for KATIPS

Lahad niya, “Oo, nagsimula yun nung opening day ng Katips noong August 3.

"Nagulat ako, kasi nagpunta ako sa SM Aura [Taguig City], hindi ko rin naman akalain na sobang pila sa SM Aura.

"Nung first day namin, napakalakas, ‘no? At ang sabi nga ni Com. G [former Comelec Commissioner Rowena Guanzon], ‘Alam mo ba na may mga death threat sa ‘yo?’

“Nagkita kami doon. Sabi ko, ‘Hindi ko alam.’ So, sabi niya, ‘Mag-iingat ka. Meron ka bang bodyguard?’ Sabi ko, wala.

“Yung sumunod, nito namang sa Tacloban. Pagdating namin, sinalubong kami ng mga pulis. 'Tapos, ineskortan kami na parang VIP. Kinabahan ako.

"Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi nung organizer, ‘May death threat ka kasi dito.’ Sabi ko, ‘Bakit hindi ninyo sinabi?’ ‘E, kasi baka hindi ka tumuloy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, pinaalagaan naman ako, at buong trip namin sa Tacloban, napaka-safe naman at napakabait ng mga tao. Hindi naman tayo natatakot dahil basta kakampi mo ang katotohanan.

“So, kung wala ka rin naman kasalanan, hindi ka rin matatakot mamamatay. Kung minsan nga kapag sinasabi, ‘O, kita mo iyan? Puro nagkasakit na, puro nagkamatayan na. Siguro sila yung mali.’

“Teka lang, iisipin mo rin, baka ang tunay na suffering ay nandito sa mundo. At ang tunay na liberation at ang tunay na kaligayahan ay wala rito sa mundo.

"At baka may katotohanan na kung sino yung unang umalis, sila yung mga mabubuti. At kung sino yung mga naiwan, sila yung mga masasamang damo na hindi mamatay-matay."

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Vince sa presscon para sa world tour ng Katips, na ginanap sa Phil. Stagers Foundation Blackbox Theatre sa G. Tuazon, Sampaloc, Manila, noong September 7, 2022.

VINCE MUM ON KATIPS BOX-OFFICE EARNINGS

Samantala, may mga nagdududa sa box-office success ng Katips. Maaari bang i-reveal niya kung magkano ang kinita ng kanyang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Vince, “Medyo alam ninyo itong lahat at sorry… sa akin ito manggagaling bilang baguhang producer sa pelikula.

"Pero sa palagay ko naman, ang mga production outfit, never naglabas ng hindi padded. Totoo rin naman dahil hindi iyan lingid sa kaalaman ng kahit sino sa inyo.

“Kapagka nag-padding ako sa tunay na kinita namin, e, di parang part na rin ako ng fake news na nilalabanan ko.

"Kapag sinabi ko naman ang katotohanan at hindi ako nag-padding, sasabihin naman nung kabila, ‘Ahh, sabi ko na talo kayo, e.’

“Kaya mas mabuti na lang na tumahimik, tutal wala naman akong obligasyon kaninuman na sabihin kung magkano ang kinita ng pelikula.

"Dahil sinabi ko nga na ang ginastos ko sa pelikula ay sariling pera ko. Kaya kung ako man ay kumita, sa akin na lang yun.

“Nagbayad naman ako ng taxes. Kaya sa palagay na napakalahaga rin na... eto nga lang ang pelikulang kailangang alamin kung magkano ang kinita ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang mahalaga, kumita, kasi sa napakaliit na puhunan namin na hindi umabot ng limang milyon, kumita kami ng malaki.

"Kesa naman sa napakalaking puhunan na halos bumalik lang yung pinuhunan. Sabi ko nga, sino ba naman ang magpo-promote ng pelilkula na wala pang P200K ang ginamit sa promotion?

“Two hundred thousand lang ang ginastos namin sa promotion kumpara sa milyun-milyon ng ibang mga pelikula. Sa napakaliit na puhunan na yun, napakalaki ng bumalik sa amin.

"Umaapaw ang kaligayahan namin. Ang mahalaga, nakatulong kami sa industrya ng pelikulang Pilipino at mayroon pa kaming puhunan para sa mga susunod pa namin na gagawing pelikula.”

VINCE REVEALS OFFERS FROM MOVIE PRODUCER

Dahil sa tagumpay sa takilya ng Katips, may isang malaking movie outfit daw ang kumuha sa produksiyon ni Vince.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Aniya, “Uhm, hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na this is my first directorial job as a filmmaker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’ve been directing plays for the last 30 years. Pero sa pelikula, ang Katips lang talaga ang pinakauna kong pelikula na galing din sa sarili kong produksiyon.

"Kaya siguro kung may scarcity man ng mga legitimate young filmmakers, baka sakaling kunin nga ako.

“Ayoko lang pangalanan kung sino pero totoo naman na may mga kumukuha. After two years sa movies walang nanood, e, medyo tumaas ang sales. Na ikinagulat din natin, ‘no?

“Sabi nga nung kumukuha sa akin, pagsama-samahin daw yung dalawang taon na Metro Manila Film Festival, e, mas malaki pa rin ang kinita ng Katips. Sa dalawang taon yun ng MMFF, 2020 at 2021.

“Nakakataba ng puso dahil tayo naman ay hindi bago lang at, anyway, merong nag-distribute sa amin na movie outfit. At hindi ko naman na kailangang isekreto pa.

“Ang Regal/Reality Entertainment, 'no? Sila ang nag-distribute at sila rin ang may hawak ng tunay na sales ng Katips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman ay sa artistic side lang. Maybe sa business, kung gusto ninyong tanungin si Dondon [Monteverde], e, di siya naman ang magpa-presscon. Sa palagay ko siya dapat ang sumagot at hindi dapat ako.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Tanada on how much Katips earned at the box office: “Kapagka-nag-padding ako sa tunay na kinita namin, e, di parang part na rin ako ng fake news na nilalabanan ko. Kapag sinabi ko naman ang katotohanan at hindi ako nag-padding, sasabihin naman nung kabila, ‘Ahh, sabi ko na talo kayo, e.’ Kaya mas mabuti na lang na tumahimik, tutal wala naman akong obligasyon kaninuman na sabihin kung magkano ang kinita ng pelikula."
PHOTO/S: Vince Tanada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results