Senator JV Ejercito denies impregnating his chief of staff: "A big lie!"

by Arniel C. Serato
Sep 14, 2022
JV Ejercito debunks rumor that he got his staff pregnant
Senator JV Ejercito debunks claim he got his chief of staff pregnant: "Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao. Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible.”
PHOTO/S: Courtesy: @jvejercito on Instagram

Mariing pinabulaanan ni Senator JV Ejercito na siya ang tinutukoy sa mga blind item na isang senador ang diumano’y nakabuntis sa kanyang chief of staff.

Sa Twitter kahapon, September 13, 2022, isang netizen ang direktang nag-akusa sa mambabatas ukol sa nasabing usap-usapan.

Pag-akusa ng netizen: “Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag settle sa nabuntis mong chief of staff? Lol.”

Hindi ito pinalampas ng senador.

Aniya, malaking kasinungalingan ang ibinibintang sa kanya.

Pahayag ni Senator JV: “A big lie! Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao.

"Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binura ng netizen ang kanyang tweet matapos siyang sagutin ni JV.

Nakiusap naman ang senador sa netizens na tigilan na ang pagpapakalat ng mga kasinungalingang balita.

Bilang isang pulitiko, sanay na raw siya sa mga intriga. Ang punto niya, kawawa naman ang mga inosenteng tao na nadadamay.

Bago pa man daw ang isyu tungkol sa kanyang chief of staff, may intriga na rin dati tungkol sa kanya at sa kanyang executive assistant (EA).

Saad ni Senator Ejercito, “Hay naku this particular circle spreading fake news of a ‘scandal’ of me & my chief of staff this time, nung una yung EA ko na si Chen.

"Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya. Kawawa naman sila.

"Be responsible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga ipinost pa si Senator JV na mga litrato niya kasama ang kanyang ibang staff na babae. Baka raw sila naman ang sunod na gawan ng intriga.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator JV Ejercito debunks claim he got his chief of staff pregnant: "Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao. Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible.”
PHOTO/S: Courtesy: @jvejercito on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results