Lolit Solis reveals Sen. Bong Revilla gave her his credit card: "Kahit anong gastusin ko raw, i-charge ko sa credit card."

by Jerry Olea
Sep 14, 2022
Lolit Solis at the hospital due to dialysis treatment
Lolit Solis on other stars wanting to visit her at the hospital amid her health problem: "Nagtatampo tuloy si Tonton. Sabi niya, ‘Pag senador saka congressman, puwedeng dumalaw sa iyo? Pag ordinaryong tao, hindi puwede?’"
PHOTO/S: Jerry Olea

Bumabaha ng tulong pinansiyal na kusang inaabot ng iba’t ibang personalidad sa 75-anyos na talent manager-columnist na si Lolit Solis.

Maraming malalapit sa kanya ang umaasam at dumadalangin para gumaling siya, habang patuloy ang regular na pagsailalim niya sa dialysis sa FEU-NRMF Medical Center sa Novaliches, Quezon City.

"Almost two months na ako sa ospital, kahit singko, wala pa akong nagagasta," bulalas ni Lolit sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ospital noong September 13, 2022.

Nangunguna raw sa walang pasubaling tumutulong sa kanya ay ang alagang si Senator Bong Revilla.

Lahad ni Lolit, “Ang naloka ako, kay Bong Revilla. Talagang dumaan dito, ibinigay niya yung kanyang credit card—kahit anong gastusin ko raw, i-charge dun sa card.

“Di ba? Dyusko! Nahihiya na nga ako. Ano ba itong sakit na ito, parang fundraising?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Parang fundraising ceremony, di ba? Nahihiya talaga ako.”

Kahit iyong wala raw siyang direktang koneksiyon ay kinukumusta siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Andami kong ano, e… na-shock nga ako! Biro mo, yung owner pala ng Jollibee diyan, L.A. Santos.

“Bigla na lang nag-text, ‘Ay, ano pala, Nay Lolit, lagi ka palang nandiyan sa FEU. Basta kahit anong kailangan mo, patawag ka lang sa ano. Ito ang number ng nagma-manage.’

“Di ba?! Yung out of the blue, biglang may ano. Tapos may biglang darating, ‘Pabigay po ni ano.’ Di ba, nakakaloka?!”

Ni hindi raw alam ni Lolit paano siya nakontak ng ina ni L.A. Santos.

“Mommy, saan mo nakuha yung telepono ko?” tanong daw ni Lolit sa ina ni L.A.

Sagot daw nito sa kanya, “Kung sinu-sino nga po ang tinawagan ko, ayaw ibigay ang telepono ninyo, ayaw ipagkatiwala. Talaga hong may pinilit ako, huwag niyo na lang tanungin kung sino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namamanghang lahad pa ni Lolit, “Di ba, yung ipag-alukan niya sa iyo yung Jollibee niya? Na isip ako nang isip, ano ba ang naitulong ko sa career ni L.A. Santos?

“Di ba? Out of the blue! Puwede namang ignore-in mo na iyan, di ba?”

Kahit ano raw pilit niya ay hindi sinabi ng ina ni L.A. kung sino ang nagbigay ng contact number niya.

“I’m so thankful talaga. Yun lang talaga,” saad ng talent manager.

Lumitaw tuloy sa isip ni Lolit yung mga nababalitaan niyang taga-showbiz na nanghihingi ng tulong pinansyal.

“Iyong mga nahihirapang mag-ano, nanghihingi. Nagtataka ako,” pagkunot-noo ni Lolit.

“Sabi ko, ‘Bakit nagkaganun? Samantalang ito, hindi ka naman nanghihingi, nagkukusa naman sila?’

“Siguro, sabi ko ngang ganun, iyang karma rin, di ba? Sabi nga ni Douglas, ‘Whatever you do, bumabalik iyan, bumabalik sa iyo,’ di ba?”

Ang talent manager na si Douglas o Tito Dougs ay kakontemporaryo at matalik na kaibigan ni Manay Lolit. Pumanaw ito noong Hunyo 13, 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Manay Lolit, “Maipagmamalaki ko talaga, wala pang manager na naging kagaya namin ni Douglas.

“Na lahat, pag gusto naming dalhin sa abroad, dinadala namin. Wala pang nakagawa nun, di ba?

“Kami talaga, pag may ano, pag puwede naming gawin, gagawin namin, di ba? Kaya siguro ganun din, sa ngayon siguro, yung mga ginawa mo nun, bumabalik din sa iyo, di ba?”

Hindi raw talaga makapaniwala si Lolit sa biyayang tinatamasa sa kabila ng pagkakasakit.

“Naisip ko nga, ‘Siguro kaya ngayon lang ako nagkasakit.’

“Pero hindi! Sabi rin ni Douglas noon, isa din sa laging bumabalik sa isip ko, ‘Kailangan lagi kang relevant para may relevance ka sa iba.’

“Siguro nga, yung mga nahihirapang ano, siyempre ganun din naman, di ba? Yun bang nasa isip mo lang minsan, human ano lang naman yun. ‘Anong mapapala ko dito?’ Di ba?

“Except kung iba talaga yung pinagsamahan ninyo. Pero, di ba, yung tutulung-tulungan mo iyan dahil talagang iba ang relasyon ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pagka ano, talagang iisipin mo, ‘Bakit ko siya bibigyan? Wala naman akong mapapala sa kanya!’ Di ba, parang ganun?

“Kaya kailangan talaga siguro, pagka ano, relevant ka talaga para ano.”

ON TONTON GUTIERREZ WANTING TO VISIT LOLIT

Sa kabilang banda, nagtampong pururot si Tonton Gutierrez kay Lolit.

Nabalitaan kasi ni Tonton na dumalaw si Alfred Vargas kay Lolit noong Setyembre 9, 2022, Biyernes, habang dina-dialysis ito sa ospital.

Si Alfred ay konsehal ngayon ng Quezon City, at dating congressman sa parehong lugar. Before Alfred, nakadalaw rin kay Lolit sa ospital si Senador Bong.

“Nagpunta si Alfred diyan achuchuchu-achuchuchu.

“Pictorial siya dun, pictorial siya dito. 'Ang sabi ko, di ba, huwag nang pupunta dito?' Nagtatampo tuloy si Tonton.

“Sabi niya, ‘Pag senador saka congressman, puwedeng dumalaw sa iyo? Pag ordinaryong tao, hindi puwede?’

“Diyos ko! Nagagalit nga ako sa kanila, ‘Bakit sila pumunta?! ‘Ganun, pag ordinaryo, hindi puwedeng dumalaw. Ilang beses ko nang sinabi sa iyo, pupunta ako chuchu.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Bigla na lang silang sumisipot, ano?!’ Sabi talaga niya, ‘Pag senador saka congressman, welcome.’ Tapos sabi ko, ‘Mag-donate ka na lang!’ Ha! Ha! Ha!” pagtawa pa ni Manay Lolit.

Nitong Martes, September 13, dumalaw kay Manay Lolit sina Rhian Ramos, Bernard Cloma, at iba pang members ng Team Dialysis.

Lolit Solis gets visited at the hospital by Rhian Ramos and Bernard Cloma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

LOLIT SOLIS’S DIALYSIS TREATMENT

Inoperahan si Lolit kamakailan. Dati kasi, iyong catheter ay sa leeg niya ang butas. Inilipat ang dinadaluyan sa may dibdib niya.

“Inilipat sa medyo mababa, malapit sa dibdib. Pag sa leeg kasi, kitang-kita, kaya inilipat na lang dati,” saad ni Lolit.

Masakit ba ang operasyon?

Tumango ang talent manager, “Masakit kasi, di ba, natakot akong magpa-anaesthesia. Dapat general anaesthesia dahil medyo masakit yun, di ba?

“Ayoko! Naisip ko kasi, baka hindi na ako magising. Ha! Ha! Ha! ‘Ayoko, Dok, chuchu…’ ‘E, hindi mo ito matitiis.’ Sabi ko, ‘Hindi, titiisin ko!’

“Sabi niyang ganun, ‘O, sige.’ Spray-spray. Una, OK lang, chuk. Kasi, ang nasa isip ko, nung unang ilagay dito, hindi naman ako masyadong nasaktan.

“Day! Nung tinutusok na… nahihima-himatay na ako, Diyos ko! Ang dyukit, di ba, pero pinanindigan ko na kesa mag-anaesthesia ako, di ba?

“Mula nang magkasakit ako, takot na takot ako sa anaesthesia na parang… pag in-anaesthesia ako, parang tuluy-tuloy na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May morbid thought ako na pag nakatulog akong ganun, tuluy-tuloy na, chuk!

“Sabi ni Dok, ‘Kaya niyo pa?’ ‘Sige na, Dok, kaya pa…’ Spray siya nang spray para mamanhid dito. ‘Sige na, Dok…’

“Kaya pagkatapos ng operasyon, mukha akong basang sisiw.”

Mas mabuti na ba ang pakiramdam niya nang ilipat ang butas sa may bandang dibdib niya?

“Hindi pa! Ayan pa rin, e! Ang sakit-sakit pa rin. Dusa ako dun sa taas pero dito, naiisip ko naman, ‘Naku! Bakit ko pa ipinalipat?’ Sana, hindi na ako nasaktan,” natatawang himutok ni Lolit.

“Dyusko, alam mo talaga… mabuti na lang nga, magse-76 na ako, di ba? Naisip ko, parang… ano ba ito?! Ayaw ko nang magkasakit.

“Hassle, ang ano. Pero yung hassle, parang talagang ginugulo ang ano mo. Itong dialysis, may happy at saka bad day.

“Merong pagkatapos mo, parang energetic ka. Parang masaya ka, OK. Pero merong bad day na parang down na down ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang nag-iisip ka, ‘Bakit pa ako nabubuhay? Bakit pa ba kailangan kong magpa…?’ Ganun, may epekto siya.

“Kasi tingnan mo, yung dugo, in and out dun sa puso mo, di ba? Kaya iba, iba talaga.”

ArticleReco:{"articles":["168438","168435","168427","168415"], "widget":"Hot Stories"}]

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis on other stars wanting to visit her at the hospital amid her health problem: "Nagtatampo tuloy si Tonton. Sabi niya, ‘Pag senador saka congressman, puwedeng dumalaw sa iyo? Pag ordinaryong tao, hindi puwede?’"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results