Video of BB Gandanghari recalling Rustom-Carmina-Anjo past issue resurfaces on TikTok

by Arniel C. Serato
Sep 14, 2022
BB Gandanghari old YouTube confession
An old YouTube confession video of BB Gandanghari about his old self, Rustom Padilla and ex-wife Carmina Villarroel, goes viral on TikTok.
PHOTO/S: Courtesy: BB. Gandanghari on YouTube

Muling lumitaw sa social media ang old YouTube video ni BB Gandanghari noong June 2020 kung saan nagkuwento siya tungkol sa dati niyang katauhan na si Rustom Padilla at sa ex-wife nitong si Carmina Villarroel.

Read: BB Gandanghari recalls the time Rustom Padilla joined a pageant

Sa TikTok kahapon, September 13, 2022, isang uploader ang nagbahagi ng apat na minutong spliced clips sa YouTube video ni BB noong 2020 na may titulong "BB.uncut: Chapter 2- You And Me Against World."

Caption ng uploader, “Grbe Ung Pain”

@mr.rpadilla Grbe Ung Pain:< #fyp #foryoupage #carminavillaroel #rustompadilla #bbgandanghari ? original sound - gandanghari

Sa nasabing clip, nagkuwento si BB tungkol sa isang pangyayari sa pagitan nina Rustom at Carmina noong October 1994 na tila naging mitsa ng pagkasira ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Paglilinaw ni BB, walang idinagdag o ibinawas si Carmina sa kuwento para ikagalit ni Rustom.

Aniya, “Sinabi lang niya, as it is.”

Kararating lang daw ni Carmina galing sa taping ng kinabibilangn nitong sitcom sa ABS-CBN, ang Palibhasa Lalake, na medyo malungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ni Rustom ang asawa kung bakit malungkot ito.

Sabi ni Carmina, may nangyari sa taping.

Inusisa ni Rustom si Carmina kung ano ang nangyari sa taping.

Sagot ni Carmina, “Si Anjo [Yllana], nagbiro.”

Magkasam sina Carmina at Anjo sa Palibhasa Lalake. Co-stars din nila sina John Estrada, Joey Marquez, at Richard Gomez.

Nang tinanong ni Rustom kung ano ang biro ni Anjo, hindi raw masabi ni Carmina ang eksaktong salita.

Inulit daw ni Rustom kay Carmina na sabihin kung ano ang ibiniro ni Anjo.

Tugon ni Carmina: “Nagbiro sila na ano ka daw… na bakla ka daw.”

Sobra raw nagalit si Rustom nang marinig iyon.

Noong mga panahon ding iyon, ginagawa raw nina Rustom at Carmina ang pelikulang Hindi Magbabago (1994).

Kasama sa cast ng pelikula si John, na siyang kabiruan ni Anjo sa taping ng Palibhasa Lalake.

Ani BB, “So, galit na galit si Rustom.”

Noong mga panahong yun, bumibisi-bisita na rin daw si Rustom sa taping ng Palibhasa Lalake kaya akala raw nito ay kaibigan niya ang co-stars ni Carmina sa palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa galit ni Rustom, tinawagan nito ang manager niya at pinapatanggal si John sa pelikula.

Iniisip daw ni Rustom noon na hindi puwedeng makita niya si John na hindi ito masusuntok. Yun lang daw ang nasa isip ni Rustom, na galit na galit siya pero hindi niya masabi.

Nang sinabi ng manager ni John noon na si Douglas Quijano na hindi ito puwedeng tanggalin sa Hindi Magbabago, sumigaw raw nang malakas na malakas si Rustom.

Kuwento pa ni BB, “Next day, nagpunta siya ng Fairview. Kinausap niya si Robin [Padilla] at saka si Rommel [Padilla].”

Sinabi raw ni Rustom sa mga kapatid na pinaglaruan siya sa set ng Palibhasa Lalake sa harapan ni Carmina.

Nag-usap daw silang tatlo tungkol sa isyu at nangakong huwag ipaalam sa isa pa nilang kapatid na si Royette Padilla. Iba raw kasi ang ugali nito.

Pero ikinagulat nila na, kinabukasan, ay headline si Royette na binaril ang sasakyan ni Anjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong panahong iyon, halos masira raw ang ulo ni Rustom dahil sa nangyari.

Kuwento pa ni BB, habang nagkakalamat ang relasyon nina Rustom at Carmina, nalilihis na ang isyu dahil napunta na ito sa barilan.

Lumitaw pa raw noon na sila ang may kasalanan sa alitang Royette at Anjo.

Worst part daw, dahil sa laki ng isyu, nakarating ito sa Senado.

Nag-offer naman daw noon si Anjo ng public apology at pumayag naman si Rustom para matapos na.

Pero ang kundisyon ni Rustom, huwag nang public apology kundi personal apology kaya nagkita sila, nag-usap, at nagkaayos.

Pero sabi ni BB, “But damage has been done. Rustom was never the same.”

Read: Anjo Yllana regrets past issue with Rustom Padilla; opens up about bidding goodbye to Eat Bulaga

Sa kasalukuyan, ang old video clip na ito sa TikTok ay mayroon nang 3.2M views, halos 190K hearts, at lagpas 1K shares.

BB Gandanghari TikTok views

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An old YouTube confession video of BB Gandanghari about his old self, Rustom Padilla and ex-wife Carmina Villarroel, goes viral on TikTok.
PHOTO/S: Courtesy: BB. Gandanghari on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results