Gerald Anderson reacts to rumor he got Kylie Padilla pregnant: “Hintayin natin nine months from now.”

by Arniel C. Serato
Sep 14, 2022
Gerald Anderson denies rumor linking him to Kylie Padilla
Gerald Anderson laughs off rumor that Kylie Padilla is pregnant with his child: "Sana nga ipinalabas na agad yung pelikula, e, para sumabay doon, e, di ba? So, hintayin natin nine months from now.”
PHOTO/S: Courtesy: @mavxproductions on Instagram

Nagsalita na si Gerald Anderson ukol sa mga kumakalat na tsismis na nagkamabutihan sila ni Kylie Padilla sa Switzerland.

Nagtungo sa Switzerland ang dalawa para sa shooting ng kanilang pelikula, ang Unravel.

Ayon pa sa tsismis, nabuntis daw ng Kapamilya actor ang Kapuso actress.

Nag-ugat ito sa YouTube at TikTok videos na inilabas ng ilang netizens na cut-to-cut na litrato ni Kylie na may baby bump daw at mga litrato nito kasama ni Gerald sa ibang bansa.

Sa isang short interview ni Ogie Diaz para sa kanyang vlog na Ogie Diaz Showbiz Update, na lumabas nitong September 12, 2022, pinagtawanan lamang ni Gerald ang isyu.

Ayon kay Ogie, baka promo lamang ito. Pero ang aga pa dahil hindi pa naman showing ang pelikulang ginawa nina Gerald ay Kylie sa Switzerland.

Biro ni Gerald kay Ogie, "Ikaw yata gumawa ng publicity nun, e."

Dagdag ng aktor, “Sana nga ipinalabas na agad yung pelikula, e, para sumabay doon, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, hintayin natin nine months from now.”

Sundot na tanong ni Ogie: “So, hindi totoo yung sa inyo ni Kylie?”

Natatawang sagot ni Gerald: “Tingnan nga natin nine months from now, yun nga ang sinasabi ko.”

Nauna nang itinanggi ni Kylie ang pag-uugnay sa kanila ni Gerald.

Sa panayam ng aktres sa 24 Oras ng GMA-7 noong August 23, sinabi niyang hindi ito totoo.

Aniya, “Wala pong katotohanan sa mga lumalabas.

"Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Super professional lang po ang relationship namin. Nothing else!

"Nakakainis, ang dami! It's so out of this world.

"Naba-bother lang ako na baka may maniwala, e.”

Read: Kylie Padilla quashes rumor she's pregnant with Gerald Anderson's child

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson laughs off rumor that Kylie Padilla is pregnant with his child: "Sana nga ipinalabas na agad yung pelikula, e, para sumabay doon, e, di ba? So, hintayin natin nine months from now.”
PHOTO/S: Courtesy: @mavxproductions on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results