John Arcilla on voluntary wearing of face masks: “Hindi kalayaan ang itaya ang sarili sa peligro.”

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 16, 2022
John Arcilla to continue wearing face masks
John Arcilla: May regulasyon man o wala ay pipiliin kong siguraduhin na ligtas ang aking sarili sa virus at isaalang-alang ang kalusugan ng iba lalo na ang mga matatanda at pamilyang uuwian ko. Isusuot ko ang face mask sa labas man o loob ng gusali, maliban sa sarili kong tahanan, para pangalagaan ang lahat.”
PHOTO/S: John Arcilla Instagram

Nanindigan ang award-winning actor na si John Arcilla na ipagpapatuloy pa rin niya ang pagsusuot ng face masks.

Read: John Arcilla still dreams of having his own family: "Hindi naman ako baog."

Ito’y kahit pa naglabas na ng Executive Order No. 3 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsasabing boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face masks sa outdoor settings at spaces.

Sa pamamagitan ng Instagram post nitong Huwebes, September 15, 2022, ibinahagi ni John ang kanyang opinyon tungkol dito.

Ayon sa aktor, patuloy siyang magsusuot ng face masks, mandatory o voluntary man, alang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng kanyang kapwa.

“May regulasyon man o wala ay pipiliin kong siguraduhin na ligtas ang aking sarili sa virus at isaalang-alang ang kalusugan ng iba lalo na ang mga matatanda at pamilyang uuwian ko.

“Isusuot ko ang face mask sa labas man o loob ng gusali, maliban sa sarili kong tahanan, para pangalagaan ang lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw raw ni John na may magdusa pa na magkasakit o bawian ng buhay dahil sa peligro na dala ng COVID-19.

Kamakailan ay humarap si John sa matinding pagsubok kung saan sunud-sunod na pumanaw ang ilang mahal niya sa buhay dahil sa virus.

Read: John Arcilla devastated over death of 10 loved ones in a span of one year

Saad ng Volpi Cup recipient, “Mas higit na ayaw kong magdusa sa pagkakasakit o bawian ng buhay ang mga mahal ko maging ang aking sarili, kaysa magbakasakali at hubarin ang face mask na pananggalang ko sa kahit anumang uri ng virus o sakit na maaari kong masagap at maikalat sa mga tao na uuwi rin sa kani-kanilang pamilya.”

Dagdag pa niya, “Hindi KALAYAAN ang itaya ang sarili sa PELIGRO.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ng batikang aktor, iginagalang niya ang desisyon ng kanyang kapwa kung gusto o ayaw ng mga itong magsuot ng face mask.

Aniya (published as is), “Iginagalang ko ang desisyon ng bawat isa. Sa ganang akin, ang KALAYAAN ay ang kapangyarihang pumili para ilayo ang sarili at ang iba mula sa PELIGRO o tiyak na kapahamakan.

“Ang Kalayaan ay may kalakip na RESPONSIBILIDAD kaya may regulasyon man o wala ay PIPILIIN KONG SIGURADUHIN na ligtas ang aking sarili sa VIRUS.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi si John ang kauna-unahang aktor na nagbigay ng opinyon tungkol sa boluntaryong pagsusuot ng face masks.

Read: John Arcilla alarmed by "death threats" he receives as FPJ’s Ang Probinsyano comes to an end

Noong September 12, 2022, nauna nang nagsalita ang kapwa niya aktor na si Romnick Sarmenta na patuloy pa ring magsusuot ng face mask para sa kaligtasan ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla: May regulasyon man o wala ay pipiliin kong siguraduhin na ligtas ang aking sarili sa virus at isaalang-alang ang kalusugan ng iba lalo na ang mga matatanda at pamilyang uuwian ko. Isusuot ko ang face mask sa labas man o loob ng gusali, maliban sa sarili kong tahanan, para pangalagaan ang lahat.”
PHOTO/S: John Arcilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results