Julia Barretto breaks silence on alleged breakup with Gerald Anderson: "We haven’t broken up."

by Arniel C. Serato
Sep 16, 2022
Julia Barretto denies breakup rumor with Gerald Anderson
Julia Barretto on boyfriend Gerald Anderson: "His kindness has really grounded me and has really motivated me to become a better person. He’s created such a safe and healthy environment in my life. So, I feel good.”
PHOTO/S: Courtesy: @andersongeraldjr on Instagram

Pinabulaanan ni Julia Barretto ang mga bulung-bulungang naghiwalay na sila ng nobyong si Gerald Anderson.

Sa panayam ni Karen Davila sa Kapamilya star para sa kanyang vlog na lumabas kagabi, September 15, 2022, nilinaw ni Julia na walang katotohanan ang nasabing tsismis.

Sabi niyang nakangiti, “Sa news, every month, that’s the situation. But no, we haven’t broken up.

“I think that’s a sign na, you know, we are really able to protect our relationship and keep it private.”

Ayon sa mga lumabas na balita, si Kylie Padilla umano ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Julia, at nabuntis pa raw ng aktor ang Kapuso actress.

Base ito sa YouTube at TikTok videos na inilabas ng ilang netizens, na cut-to-cut na litrato ni Kylie na may baby bump daw at mga litrato nito kasama ni Gerald sa ibang bansa.

Mariin na rin itong itinanggi ni Gerald base naman sa interview sa kanya ni Ogie Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Gerald, “Sana nga ipinalabas na agad yung pelikula, e, para sumabay doon, e, di ba?

“So, hintayin natin nine months from now.”

Read: Gerald Anderson reacts to rumor he got Kylie Padilla pregnant: “Hintayin natin nine months from now.”

Si Kylie naman—na kapareha ni Gerald sa pelikulang Unravel—ay pinagtatawanan na lamang ang isyung nabuntis siya ng boyfriend ni Julia.

Read: Kylie Padilla quashes rumor she's pregnant with Gerald Anderson's child

“I DO FEEL SAFE IN THIS RELATIONSHIP”

Sa panayam sa kanya ni Karen, tinanong si Julia kung bakit ganun na lang ang tiwala niya sa boyfriend na hindi siya sasaktan nito.

Sagot ni Julia, “I don’t think I’ll get into a relationship with somebody na I don’t trust.

"So, I do trust him and he shows me that every single day, there’s just no reason for me to doubt.”

Labis naman ang kilig ni Julia nang matanong kung gaano kaseryoso ang kanilang relasyon ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Serious. I would say, I do feel safe in this relationship," pagmamalaking sagot ni Julia.

Mag-aasawa na ba siya soon?

Ayon kay Julia, hindi siya ang nararapat sumagot sa ganitong klaseng katanungan. Pero ramdam naman daw niyang “very secured” siya sa relasyon nila ng boyfriend.

Sabi pa niya, “I don’t think that’s up to me, I don’t think that’s up to me. But I think it will come at the right time.

"But I do feel very secured in the relationship we have and we are really happy. I don’t have anything to worry about.”

Ano ang kaibahan ni Gerald sa mga dati niyang nakarelasyon?

Sabi ni Julia, “The sense of security that I have, the sense of calm that I have.

"His kindness has really grounded me and has really motivated me to become a better person.

"He’s created such a safe and healthy environment in my life. So, I feel good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on boyfriend Gerald Anderson: "His kindness has really grounded me and has really motivated me to become a better person. He’s created such a safe and healthy environment in my life. So, I feel good.”
PHOTO/S: Courtesy: @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results