Joaquin Domagoso denies family's Euro trip cost P1B; relates unpleasant experience in Paris

by Julie E. Bonifacio
Sep 16, 2022
Joaquin Domagoso with family in Paris
Joaquin Domagoso (left) on stressful experience in Paris: "Somebody tried to steal from my dad. They’re bullying my little brother sa carnival." Seen on the right photo: Franco, Joaquin, Drake, Isko, Dynee, Frances, and Vincent.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Isko Moreno Facebook

Itinanggi ni Joaquin Domagoso ang report na lumabas sa isang tabloid na inabot ng isang bilyong piso ang halaga ng trip to Europe ng kanyang pamilya last month.

Ayon sa lumabas na ulat, bakasyon grande umano ang European tour sa pangunguna ng ama ni Joaquin at dating Manila Mayor na si Isko Moreno.

Naroon din ang misis ni Isko na si Dynee Ditan, at iba pang anak ng alkalde na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Franco Dylan, at Drake Marcus. Si Vincent ay anak ni Dynee sa dating karelasyon at in-adopt ni Isko.

"Bilyon ang ginastos namin sa Europe?!" nagulat na bulalas ni Joaquin nang kunan ng reaksiyon tungkol dito.

"Paanong one billion magastos namin sa Europe? Imposible naman magastos mo isang bilyon sa Europe. Hindi naman ganoon. Why would it be one billion?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BAD EXPERIENCE IN PARIS

Limang araw nakapagbakasyon sa Paris si Joaquin. Habang inabot ng 17 araw ang kanyang pamilya sa pamamasyal sa mga bansa sa Europe.

Hindi naman sumang-ayon si Joaquin sa sinasabi ng iba na mas maganda magbakasyon sa Paris kasama ang special someone.

"Actually, not anymore," ngiwi niya. "I don’t think Paris is a place you wanna bring [your special someone to]. For me, ha?

"You can find cheaper places that have better and kinder people. Kasi, parang mapapaaway ka doon sa Paris."

Dito na naikuwento ni Joaquin ang di kagandahang insidente na sinapit ng kanyang pamilya habang namamasyal sa Paris.

"The people there, all of them are nice, but some people can be rude. No, straight-up rude.

"Somebody tried to steal from my dad. They’re bullying my little brother sa carnival. And then, parang mino-modus nila. Medyo ginang-up ang papa ko.

"They got to a small push-push fight. They ganged up on my dad. Buti na lang my dad covered his pockets," pagri-reveal ni Joaquin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinuturing na malaking bad experience para kay Joaquin ang nangyari. Pero isang traumatic experience raw yun para sa kanyang bunsong kapatid.

"Yeah, for Drake. Umiiyak si Drake because it’s his first time to see something happen, e. Big guys, you know. We weren’t there.

"Pero si Papa, medyo ngingiti-ngiti siya kasi parang inis siya nang konti sa nangyari, but he [wanted] to keep it down. He doesn’t want Drake to feel bad."

Joaquin Domagoso and family during Paris trip

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORK BEFORE VACATION

Ganunpaman, hindi raw ito ang dahilan kung bakit ayaw muna bumalik ni Joaquin sa Paris.

"Boring," himutok ni Joaquin nang tanungin kung ano ang impresyon niya sa lugar.

"Sa akin ha, boring. Because, alam mo yung sa buong trip kasi, they are always together. So, by that time they got to Paris, they just wanted to relax.

"People weren’t, 'Tara, mag-explore tayo.' Relax lang sila. Chill lang sila. 'Let’s just go to the Louvre. Let’s go shopping a bit.'

"So, ako naman yung maraming energy mag-explore, magpunta ng trip. Pero yung energy ng tao, parang tapos na sila. Satisfied na sila sa trip."

Siniguro raw ni Joaquin na tapos ang kanyang work commitment bago nagbakasyon.

"Well, sa trip namin sa Europe, I didn’t get to go to most of it because I have to attend the GMA Gala. Kasi priority is to go to the GMA-7 Gala nga,” paliwanag ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, "Nauna silang umalis. Ten days silang pumunta doon. Wala…wala akong magawa. Nandoon sila, e.

"I had to, like, to just watch their post. Di ba, nakita ninyo rin yung mga post nila sa Facebook? Nandoon sila sa Belgium, sa London.

"Ako naman dito sa bahay umiiyak kasi nandoon na sila. They’re enjoying, they got to see The Lion King and the Stonehenge."

Anong bansa sa Europe ang napasyalan niya?

"I went to Paris lang. I got to Paris. So, they went to three countries. I only ended up sa Paris. Doon na ako sumunod."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso (left) on stressful experience in Paris: "Somebody tried to steal from my dad. They’re bullying my little brother sa carnival." Seen on the right photo: Franco, Joaquin, Drake, Isko, Dynee, Frances, and Vincent.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Isko Moreno Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results