Senior actor, inisnab ang lead star at production team sa dinaluhang film preview

by Noel Orsal
Sep 17, 2022
male celebrity blind item
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Wala sa mood o mahina lang ang pandinig?

Ito ang tanong ng production team tungkol sa pang-iisnab sa kanila ng isang senior actor nang magkita sila kamakailan.

Kuwento ng taga-production team, habang naghihintay sila sa isang building somewhere in Quezon City dahil sa preview ng kanilang pelikula na gusto nilang isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF), dumating ang senior actor.

Bilang respeto sa senior actor, isa-isang bumati ang grupo na kinabibilangan ng producer, line producer, directors, scriptwriter, at ang bidang action star ng nasabing pelikula.

Takang-taka raw ang grupo dahil sa dami nilang nagbigay-pugay sa senior actor, ni wala man lang kahit isa sa kanila ang sinagot nito ng "hi" o "good afternoon."

In short, deadma ang senior actor.

Tuluy-tuloy at paikot-ikot lang daw sa paglalakad ang senior actor na para bagang walang narinig at nakita.

Nang magsimula na ang preview, pumasok daw ang senior actor sa loob ng preview room nang walang pasintabi sa mga taong involved sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natahimik ang grupo at hindi na lang ito pinansin sa pag-aakalang gusto lang maglibang ng senior actor.

Nanood ang senior actor hanggang sa matapos ang pelikula, at lumabas din nang walang paalam.

Paglabas ng grupo mula sa viewing room, bigla na lang daw nawala ang senior actor sa building at tila umalis na rin nang hindi nagpapaalam.

Ang tanong nga nung isa sa kabilang sa grupo, hindi kaya baka dala na rin ng edad ng senior actor kaya medyo balisa ito?

Puwede rin daw marami lang itong problemang iniisip kaya parang walang nakikita sa kanyang paligid ang dating sikat na atkor.

Pero anupaman, inintindi na lang ng grupo ang pandedeadma sa kanila ng senior actor bilang respeto rito.

MORE BLIND ITEMS:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results