Imelda Papin returns to showbiz after failed Camarines Sur governor bid

by Melba R. Llanera
Sep 17, 2022
Imelda Papin
Singer Imelda Papin on life after public service as Camarines Sur vice governor: "Parang mas happy ako ngayon, mas nakaka-concentrate ako sa singing." Prior to her term from 2019-2022, she also got elected as vice governor in the same province from 1998-2004.
PHOTO/S: Melba Llanera

Hindi pinalad manalo si Imelda Papin noong May 2022 national elections kung saan tumakbo siya bilang gobernador ng Camarines Sur.

Sa ngayon, ine-enjoy niya ang pahinga sa pulitika at pokus muna siya sa pagiging aktibo muli sa showbiz.

"Oo, kasi when I was the vice governor, nine years na akong walang pahinga. Parang mas happy ako ngayon, mas nakaka-concentrate ako sa singing.

"We've just arrived from Las Vegas concert, California concert; kasama ko sila Pilita saka si Eva [Eugenio].

"Actually, may offers na sa akin to have a show in Surigao del Norte, malalayo na, like Pampanga. On October 27 and 28, sa Japan."

May mga offer na ba sa kanyang magbalik-showbiz?

"Marami actually, pero dahan-dahan muna. Pero gusto ko matapos muna album ko para sabay-sabay na.

"We're also doing a movie, surprise muna. Producer muna, siguro ang artista ay ang anak ko na si Maffy."

Abala rin si Imelda sa mga posisyon sa showbiz na nakaatang sa balikat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm no longer with politics right now, but nagko-concentrate ako ngayon going back to showbiz.

"I'm the president of the Actors Guild of the Philippines, and also Showbiz Industry Alliance for performers and entertainers.

"Busy ako. This coming 20th of September, magkakaroon kami ng distribution of relief goods sa Abra."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Imelda sa soft opening at ribbon cutting ng StarDohm Multimedia Production, na ginanap sa opisina nito sa Roces Avenue, Quezon City, noong September 10, 2022.

ON HER GODSON GIGO DEGUZMAN

Nasabi rin dito ni Imelda na balak niyang kumustahin ang inaanak na si Gigo de Guzman.

Si Gigo ay anak ng yumaong singer na si Claire dela Fuente, na malapit na kaibigan ni Imelda.

Sinubukan kasi ng PEP.ph na kumustahin si Gigo kay Imelda dahil noong Enero 2022, nabanggit ni Gigo sa panayam ni Boy Abunda ang mga dinaanang hirap matapos pumanaw ang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi noon ni Gigo na dumanas siya ng depression dahil bukod sa nabaon ito sa utang nang mawala ang ina, nahirapan siyang humanap ng trabaho na ipantutustos sana niya sa mga pangangailangan nila ng nakababatang kapatid.

Ganunpaman, noong December 2021 ay nabanggit ni Gigo sa isang Instagram post nito na may nahanap siyang trabaho sa tulong ng isang kaibigan.

Sabi naman ni Imelda, "I'll try to talk to him, hindi ko siya naka-usap recently. Thank you for the information. I'll try to reach out to Gigo.

"Gusto kong malaman, wala akong alam. The last time I talked to them, okay naman sila.

"Pero they had never called me up after the death of his mom. I will call right after I leave this place."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Imelda Papin on life after public service as Camarines Sur vice governor: "Parang mas happy ako ngayon, mas nakaka-concentrate ako sa singing." Prior to her term from 2019-2022, she also got elected as vice governor in the same province from 1998-2004.
PHOTO/S: Melba Llanera
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results