Isko Moreno enjoys being a lolo; talks about showbiz comeback

by Nikko Tuazon
Sep 18, 2022
Isko Moreno
Isko Moreno on being a grandfather to Joaquin's son Baby Scott: "I've been a father for more than two decades now, but being a lolo, nag-a-adjust pa. But I'm really happy. He's another blessing to the Domagoso family."
PHOTO/S: Dynee Domagoso / Facebook

Enjoy na enjoy ngayon ni former Manila Mayor Isko Moreno ang tahimik na buhay sa labas ng showbiz at politika.

Sa ngayon, mas marami nang oras si Isko na naibubuhos para sa kanyang pamilya lalo na sa lima niyang anak at sa apo nitong si Baby Scott.

Si Baby Scott ang anak ni Joaquin sa girlfriend nitong si Raffa Castro. Si Joaquin ang ikalawang anak na lalaki ni Isko at ng misis nitong si Dynee Domagoso.

"Masayang-masaya kasi I spend more time with the kids," pahayag ng 47-year-old actor-politician nang kamustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 32nd anniversary ng Belo Medical Group noong September 9, 2022.

Dagdag nito, "As you remember, I have five kids. I still have a ten-year-old son Drake, nag-birthday lang kahapon. And I have a new apo, si Scott, pogi!"

Aminado ang dating mayor na nag-aadjust pa rin siya sa kanyang bagong role bilang lolo ni Scott. Ngunit masaya si Isko dahil may bagong miyembro ang kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I've been a father for more than two decades now, but being a lolo, nag-a-adjust pa. But I'm really happy. He's another blessing to the Domagoso family.

"I'll play it by ear. Kumbaga, let me see. But for now, I'm really enjoying seeing my grandson. Pogi!"

MEETING RAFFA CASTRO

Ayon kay Isko, madalas niyang nakakasama si Baby Scott tuwing weekends.

Aniya, "On Sundays, they visit us. Yung typical lunch or dinner. Kapag may events, we go together. Sometimes, I visit their place."

Natanong na rin ng PEP.ph si Isko kung kamusta ang pakikitungo nito kay Raffa.

Sagot ng dating mayor, "Ella is a very nice person. Sweet and nice."

Ayon kay Isko, matagal na niyang kilala si Raffa na nakilala nito bilang Ella, at wala itong nasabi kundi mabait at sweet ang kanyang future manugang.

Dagdag nito, "Ever since kilala ko na si Ella, e. I mean, like, bago pa sila magka-baby. Kasi they're boyfriend-girlfriend. So, na-meet ko na siya beforehand talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman may matinding payo si Isko sa kanyang anak na si Joaquin pagdating sa relationship.

Aniya, "Basta always na sinasabi ko sa kanila, half-truth, half-joke. There are only two rules in life.

"Number one rule, wife is always right.

"The second rule, if you think your wife is wrong, go back to rule number one. Happy wife, happy life."

SHOWBIZ COMEBACK

Samantala, natanong din ng PEP.ph kung may balak ba si Isko na magbalik-showbiz.

Kinumpirma nitong may proyekto siyang gagawin sa showbiz.

Sabi niya, "I'm taking my time with the family. But definitely, I'll be involved in the entertainment industry. For TV, movie, digital."

Hindi man direktang ibinahagi ni Isko ang nasabing proyekto, umaasa itong mailo-launch nila ito sa December 2022.

"End of this year, hoping ma-launch namin."

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno on being a grandfather to Joaquin's son Baby Scott: "I've been a father for more than two decades now, but being a lolo, nag-a-adjust pa. But I'm really happy. He's another blessing to the Domagoso family."
PHOTO/S: Dynee Domagoso / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results