Ogie Diaz to Willie Revillame calling out critics of ALLTV: “Ano ba ang dapat pinupuna?”

by Bernie V. Franco
Sep 20, 2022
ogie diaz versus willie revillame
Ogie Diaz to Willie Revillame: "Kung maganda yung audio, sa palagay mo hindi ko naman pupurihin iyon?"
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz, Wowowin)

Nangatuwiran si Ogie Diaz matapos punahin ni Willie Revillame ang mga kritiko ng kinabibilangang TV station ng veteran TV host, ang ALLTV.

Ang ALLTV ay ang TV station ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ng pamilya ng business tycoon na si Manny Villar.

Si Willie ay tumatayo ring consultant ng ALLTV at dito umeere ang kanyang game show na Wowowin.

Sa episode ng Wowowin September 16, 2022, pinatamaan ni Willie ang mga pumupuna sa soft launching ng ALLTV.

Partikular na tinukoy ni Willie ang mga kritisismo sa audio system ng TV station.

Bahagi ng pahayag ni Willie: “Minsan nakakasama ng loob. Pinupuna pa yung pagkakamali namin.

“Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo. Tingnan mo muna yung sarili mo, di ba?

“Wag na tayong pumuna. Isipin mo yung ilang taong tinulungan ng station na ito.”

Read: Willie Revillame to celebrities sending feelers about joining ALLTV: “We will have a meeting with you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkataon namang nag-post ng status si Ogie noong September 15 at pinansin ang technical glitch sa audio nang mag-perform si Toni Gonzaga sa ALLTV soft launch.

Post ni Ogie, nauunawaan niya kung may glitches man dahil nagsisimula pa lamang ang TV station at marami pang room for improvement.

ogie diaz facebook post

Nakarating naman kay Willie ang mga ganitong kritisismo kaya nagsalita ito sa Wowowin episode noong September 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OGIE DEFENDS

Naniniwala si Ogie na dahil nagsisimula pa lang ang ALLTV, dapat bukas si Willie pagdating sa mga kritisismo ng viewers.

“Kuya Wil, ano ba ang dapat pinupuna? Yung mali? O yung kulang? O yung kapos? O yung sana, e, mas maganda sana yung ito yung gagawin?

“Pag kapuri-puri naman, pupurihin naman, Kuya Wil,” banayad na katuwiran ni Ogie sa kanyang YouTube vlog nitong September 20, 2022.

Sinagot ni Ogie ang pahayag ni Willie na dapat ay tingnan muna ang sarili bago magpuna.

Dugtong ng talent manager-columnist, “Kung maganda yung audio, sa palagay mo hindi ko naman pupurihin iyon?

“Kung maganda naman ang sound system sa palagay mo hindi ko naman pupurihin iyon?

“Pupurihin kung kinakailangan. Constructive naman iyon, Kuya Wil," mensahe ni Ogie.

“Sana marunong tayong tumanggap ng kritisismo, lalo na’t antagal-tagal mo na sa industriya. Di ba, dapat alam mo na iyan?”

Saad pa ni Ogie, sa pagkakaalam niya ay perfectionist si Willie sa show kaya’t inaasahan niyang mauunawaan ang kritisismo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinontra rin ni Ogie ang katuwiran ni Willie na maraming natutulungan ang ALLTV.

“Yung kalidad, ang production value ang pinupuna hindi naman ang mga taong tinutulungan," ani Ogie.

“Dapat mas naa-appreciate ni Kuya Wil yung mga pagpuna. Dapat magpasalamat siya.

“Sa tono ni Kuya Wil, parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity or constructive criticism.

“Parang mas gusto niya pinupuri siya.”

Sa tingin daw ni Ogie ay mas gusto ni Willie ang mapansin ang efforts nito bilang kabahagi ng ALLTV.

Pero giit ni Ogie, nauunawaan niya na soft launch pa lang ang ALLTV na planong magkaroon ng official launch sa October 1, 2022.

Nilinaw rin ni Ogie na isa siya sa mga excited para sa bagong television network lalo pa’t marami sa kanyang mga kasamahan noon sa ABS-CBN ay kabilang na ngayon sa bagong TV station.

Mensahe ni Ogie kay Willie: “Huwag ka nang magalit.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz to Willie Revillame: "Kung maganda yung audio, sa palagay mo hindi ko naman pupurihin iyon?"
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz, Wowowin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results