Michelle Madrigal says new relationship “definitely not in my plan”

by Arniel C. Serato
Sep 21, 2022
Michelle Madrigal new boyfriend "not in my plan"
Michelle Madrigal shares a short Instagram Reel which captures some sweet moments between her and new foreigner boyfriend: "God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing."
PHOTO/S: Courtesy: @mitch_madrigal on Instagram

Isang buwan na mula nang ipakilala ni Michelle Madrigal sa publiko ang bago niyang boyfriend, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito pinapangalanan.

Read: Michelle Madrigal introduces new boyfriend four months after divorce

Sa Instagram ngayong araw, September 21, 2022, nag-post ang dating aktres ng isang reel nila ng boyfriend kung saan makikita silang nag-e-enjoy sa mga lugar na pinuntahan nila.

Sa isang bahagi ay makikita ang nobyo niyang nagkakape at nakasuot ng uniporme ng military.

Base sa logo ng kanyang suot, mukhang sa United States Air Force nagtatrabaho ang foreigner boyfriend ni Michelle.

Michelle Madrigal boyfriend in military uniform

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption, sinabi Michelle na wala sa plano niyang magka-boyfriend agad matapos silang mag-divorce ng ex-husband na si Troy Woolfolk.

Handa raw siyang maging single sa mahabang panahon pero marunong daw talaga ang Diyos at binigyan siya ng panibagong pag-ibig.

Buong caption niya: “God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing. [heart emoji]

“This was definitely not in my plan. I wanted to be single for as long as I could…. But boyyyyy I’m so glad it happened.

“It’s so freeing to feel like a lady again. Not having to be in a fight or flight mode all the time. It feels like home.”

Noong August 22, 2022, ipinakilala ni Michelle sa kanyang Instagram ang bagong boyfriend.

Mukhang kakilala ng ex-husband ni Michelle ang bagong boyfriend nito dahil nag-comment pa si Troy sa post ng aktres na “cute couple.”

Read: Michelle Madrigal’s ex-husband Troy Woolfolk comments on her photo with new boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa nito, inamin ni Michelle sa kanyang vlog na may bago siyang dini-date.

Sabi niya, “Yes, I started seeing someone recently and I think we’re in a very good place.

"I don’t want to put any label dahil hindi naman importante yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page.”

Dagdag pa niya, single parent din ang bagong boyfriend at divorced na rin sa dating asawa. Maigi na raw ito dahil mahihirapan siyang makikonekta sa isang lalakeng hindi pa isang magulang.

Ani Michelle, “He’s also divorced, he’s got kids. I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya.

“And one of the things na natutunan ko after divorce and dating, like, its gonna hard to connect with someone that’s single na walang anak. Obviously kailangang single sila for me to date them.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Madrigal shares a short Instagram Reel which captures some sweet moments between her and new foreigner boyfriend: "God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing."
PHOTO/S: Courtesy: @mitch_madrigal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results