Actor Dindo Arroyo arrested for cybercrime in Laguna

by Arniel C. Serato
Sep 21, 2022
Dindo Arroyo arrested
Character actor Dindo Arroyo nabbed in Laguna for cybercime case.
PHOTO/S: Courtesy: Biñan PNP / Laguna Provincial Police Office on Facebook

Arestado ang character actor na si Dindo Arroyo dahil sa kasong cybercrime

Naaresto si Dindo — Conrado Manuel Ambrosio II sa totoong buhay — bandang alas sais ng gabi, Martes, September 20, 2022, sa may Barangay Biñan, Biñan City, Laguna.

Ito ay dahil sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Rosauro Angelito Sicat David, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna.

Nahaharap si Dindo sa dalawang (2) counts ng kasong RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at may piyansang inirekomenda na nagkakahalaga ng PHP10,000 bawat kaso.

Kasalukuyang nakapiit si Dindo sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Biñan City.

Ayon pa sa pahayag ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna Provincial Police Office (Laguna PPO), “Sa pagkaaresto ng akusado ipinapakita lamang na walang pinipili ang ating batas.”

Hindi idinetalye sa pahayag ni Silvio kung sino ang nagsampa ng demanda ni Dindo at kung ano ang sinabi nito kaya't kinasuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Chief of Police ng Binan, Laguna na si PLTCOL Virgilio M. Jopia upang humingi ng ibang detalye, ngunit wala pa silang tugon sa amin.

Wala pang pahayag ang kampo ni Dindo kaugnay ng pagkakaaresto ng aktor.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Character actor Dindo Arroyo nabbed in Laguna for cybercime case.
PHOTO/S: Courtesy: Biñan PNP / Laguna Provincial Police Office on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results