Moira dela Torre denies song “Babalik Sa 'Yo" is about estranged husband Jason Hernandez: "Wag marupok"

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 21, 2022
Moira-Jason
Moira dela Torre denies that her recent single "Babalik Sa 'Yo" pertains to her estranged husband, Jason Hernandez: "Kanta lang to, wag marupok."
PHOTO/S: Moira dela Torre Facebook/Jason Hernandez Instagram

Mariing itinanggi ng Kapamilya singer-songwriter na si Moira dela Torre ang espekulasyong ang kanta niyang "Babalik Sa 'Yo" ay may koneksiyon sa kanyang asawang si Jason Hernandez.

Read: Moira dela Torre on breakup with husband Jason Hernandez: “Saan ba ako nagkulang?”

Nitong Lunes, September 19, 2022, ipinost ni Moira sa Facebook ang duet video niya sa TiktTok para sa kanyang kantang "Babalik Sa 'Yo," kasabay ng pagpapasalamat niya sa fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Moira dela Torre breaks silence on split with husband Jason Hernandez: "I have never cheated on Jason."

Ang kantang "Babalik Sa 'Yo" ay original soundtrack (OST) para sa teleseryeng 2 Good 2 Be True ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kasalukuyang patok din ito sa TikTok na ginagamit na background song ng dalawang magkasintahan o di kaya’y kinakanta sa iba't ibang paraan.

Ni-release ni Moira ang kantang ito noong July 2022, dalawang buwan matapos nilang ianunsiyo ni Jason na hiwalay na sila.

Read: Moira dela Torre sings “Malaya” on Independence Day; tweaks lyrics of her original song

Caption ni Moira (published as is), "Thank u for all the love uv given babalik sayo and for making it no.2 on the charts!! ly [i love you] guys.

"Ps kanta lang to, wag marupok"

Narito ang ilang parte ng lyrics ng kanta:

Handa kong gawin ang lahat
Makapiling ka lang
Walang hihigit Sa iyo
Ikutin pa ang mundo
Ako'y babalik babalik sayo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanging ikaw ang sigaw
Ng puso araw araw
Aminin ko na sayo,
Ngayon lang nagka gan'to
Ako'y babalik babalik babalik parin sayo.

Hindi napigilan ng ilang netizens ang magkomento sa post na ito ni Moira.

May ilang nagsabi na ang lyrics ng kanta ay tungkol sa pagbabalikan, kaya't naihambing nila ito sa relasyon ni Moira at ng kanyang dating asawa.

Komento ng isang netizen (published as is), "Babalik sayo… is this a sign for their love reconciliation? ayeeee."

Agad namang sagot ni Moira, "Nope."

Moira-Jason

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patunay umanong hindi na babalikan pa ng Idol Philippines judge si Jason na umamin kamakailan na naging "unfaithful" sa kanyang asawa.

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Noong May 31, 2022, inamin nina Moira at Jason via joint statement na nagdesisyon silang wakasan na ang kanilang relasyon matapos nilang ikasal noong 2019.

Read: Moira Dela Torre and Jason Marvin Hernandez: Wedding moments we love!

Samantala, noong September 14, 2022, ay inilabas ni Jason ang kanyang bagong single na "Ako Na Lang" na tungkol sa pagpaparaya, pag-ako ng kasalanan, at paghingi ng tawad.

Read: Jason Hernandez back to Instagram months after breakup with wife Moira dela Torre

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Moira dela Torre denies that her recent single "Babalik Sa 'Yo" pertains to her estranged husband, Jason Hernandez: "Kanta lang to, wag marupok."
PHOTO/S: Moira dela Torre Facebook/Jason Hernandez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results