Tanya Winona Bautista-Navarro fears for husband Vhong Navarro’s safety if transferred to Taguig City Jail

by Arniel C. Serato
Sep 21, 2022
Tanya Navarro support for husband Vhong Navarro
Tanya Navarro on husband Vhong Navarro facing jailtime after rape case prospered for a long courtroom battle: "Gusto ko lang sabihin, alam naman nila yung totoo. Nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng totoo kaya pinakasalan ko pa rin siya. So, lalaban ako!”
PHOTO/S: Gerry Olea / Instagram

Mangiyak-ngiyak na humarap sa press ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Winona Bautista-Navarro ngayong Miyerkules, September 21, 2022.

Ayon kay Tanya, nabibisita niya ang nakapiit na asawa na kasalukuyang nahaharap sa mga kasong acts of lasciviousness at rape.

Ang mga nasabing kaso ay isinakdal laban sa Kapamilya actor-TV host ng dating modelong si Deniece Cornejo.

Lahad ni Tanya, “Sobrang positive siya kasi nilu-look forward niya na pupunta ako today.

"Pero, yun… ano kasi, bago ako umalis, parang bigla na lang siyang nag-start maging emusyonal.

"Siguro nga ang hirap mag-process ng mga baga-bagay, wala kang kausap masyado kasi hindi naman niya kilala yung mga nandun.”

Ang tinutukoy ni Tanya ay ang kinaroroonan ni Vhong at kung saan ito kasalukuyang nakapiit— ang National Bureau of Investigation-Security and Management Section (NBI-SMS).

Ilan daw sa mga napag-usapan nila ay ang mga update galing sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing ni Tanya ang nangyari sa kanilang nitong mga nakaraang araw na “the longest two days of our lives.”

Matatandaang sumuko si Vhong sa NBI Quezon City office noong umaga ng Lunes, September 19, upang magpiyansa para sa acts of lasciviousness warrant na inilabas ng Metropolitan Trial Court Branch 116 sa Taguig City.

Pero, hindi pa man natatapos ang proseso ng piyansa, lumabas ang isa pang warrant of arrest na inisyu naman ng Regional Trial Court Branch 69 ng Taguig City rin kaugnay naman sa kasong rape na kinahaharap ni Vhong.

Nakausap ng media, kasama ang PEP.ph, si Tanya sa Tiger Winx restaurant, Panay Avenue corner Timog Avenue, Quezon City.

VHONG’S SAFETY

Ayon kay Tanya, kagabi lang niya nakausap nang masinsinan ang dalawang anak ni Vhong na sina Fredriek at Yce Navarro matapos sumuko ang It's Showtime host sa NBI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Broken daw ang mga ito. Kung ang aktor daw ang masusunod, isi-shield niya ang mga anak laban sa mga ganitong klaseng pangyayari at balita.

Alam daw ni Tanya na mababasa ng mga anak sa social media ang mga kaganapan tungkol sa kasong kinahaharap ni Vhong, pero kailangan daw manggaling mismo sa kanya para maintindihan nila ang pangyayari.

Ayon kay Tanya, roller-coaster ride ang pinagdaanan nila sa kasong ito may walong taon na ang nakararaan. Ang akala raw nila ay patapos na ito ngunit kabaligtaran ang nangyari.

Saad ng misis ni Vhong, “Hindi ko alam, hindi ko alam kung paano nila patutunayan ‘tong sinasabi nila. And then, suddenly, may reverse.

"So, alam mo yun, na parang nakikita mo na yung katapusan, e, pero, yun nga, binaligtad. So, same feeling nung before.”

Alam daw niyang consistent at hindi nagsisinungaling si Vhong since day one.

Saad ni Tanya, “Nung pumunta siya sa akin, bugbog-sarado siya, kinonfess niya lahat. Since that day hanggang ngayon, sobrang consistent siya sa mga sinasabi niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Suported yun ng mga documents or sa kung anumang ebidensiya na ibinigay namin.

"So, hindi ko alam kung anong nakikita nilang probable cause.”

Ilalaban daw nila ang kaso at uunahin nila ang pagsasampa ng petition for bail upang pansamantalang makalaya ang mister.

Natatakot daw kasi sila para sa buhay nito, lalo na't hiniling ng kampo ni Deniece na kaagad na ipiit sa Taguig City Jail si Vhong dahil doon ito nakatakdang litisin.

Naghihintay pa raw ngayon ang NBI ng commitment order mula sa korte upang mailipat na ang It’s Showtime host.

Ani Tanya, “Lalaban kami, may case na, e. Lalaban kami at alam ko mapapanalo namin ‘to.

“But for the meantime, at least yung security niya, natatakot ako for him pag malipat siya sa Taguig.”

Dagdag pa niya, “Gusto ko lang sabihin, alam naman nila yung totoo. Nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng totoo kaya pinakasalan ko pa rin siya, so lalaban ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THANKFUL FOR THE SUPPORT

Nagpasalamat naman si Tanya sa mga taong nagpapadala ng mensahe ng suporta sa asawa.

Yun nga lang, takot daw siyang buksan ang mga ito at basahin.

Sabi niya, “Thank you, I don’t read, hindi ako ganun ka-strong, hindi ako strong.

“Pero, thank you. Pero yung friends, siguro kasi alam ko na meron akong mga ilang messages na makikita rin na siyempre, hindi rin naman lahat naniniwala kay Vhong. So, takot ako dun, takot ako sa messages.

“I’d rather not read. Pero yung mga friends send me screenshots, sobrang nagbibigay ng strength, thank you.

“Hindi ako ganun ka-strong. I’m just being strong for Vhong.

"Hindi ako pumasok dun sa commitment na magpakasal sa kanya or makasama siya for nothing.

“Nung nangyari ‘to, mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami. Nakita ko gaano siya nagsasabi ng totoo kaya pinakasalan ko parin siya.

"So, lalaban ako.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanya Navarro on husband Vhong Navarro facing jailtime after rape case prospered for a long courtroom battle: "Gusto ko lang sabihin, alam naman nila yung totoo. Nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng totoo kaya pinakasalan ko pa rin siya. So, lalaban ako!”
PHOTO/S: Gerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results