Tom Rodriguez getting on well and happy in the U.S. months after broken marriage

by Rachelle Siazon
6 days ago
Tom Rodriguez
Tom Rodriguez looks happy and content with his life in the U.S. eight months after split with wife Carla Abellana.
PHOTO/S: @akosimangtomas Instagram

Kapansin-pansing moving forward si Tom Rodriguez sa buhay niya sa Amerika.

Maaliwalas ang mukha at panay ang ngiti ng Kapuso actor na makikitaan ng positibong disposisyon ngayon.

Nag-post pa siya ng wacky photo kahapon, September 22, 2022 (Philippine time), na may caption na "#vibin."

Tom Rodriguez

Sinundan niya ito ng video ng kanyang road trip na nilagyan niya ng lyrics ng kantang "I Can See Clearly Now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi rito, "GONE ARE THE DARK CLOUDS THAT HAD ME BLIND / IT'S GONNA BE A BRIGHT (BRIGHT) SUNSHINY DAY."

Nilagyan ito ni Tom ng caption na "#nuthinbut" na pagsang-ayon sa bright sunshiny day na kinahaharap niya.

Tom Rodriguez

Ngayong Biyernes, September 23 (Philippine time), ay nag-post muli si Tom ng selfie niyang may kasamang update.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namasyal daw siya kasama ng "mga babies" o mga tsikiting na pamangkin ng aktor

Tom Rodriguez

Tom Rodriguez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aktibo rin si Tom na nakikipagpalitan ng mensahe sa mga kaibigan at netizen na nagkokomento sa posts niya.

Tom Rodriguez

Tom Rodriguez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malayo na ito sa cryptic Instagram post niya noong early January 2022 na siya ay waring nakalutang at hindi alam ang direksiyon na pupuntahan.

SPLIT WITH WIFE CARLA

Sa U.S. namalagi si Tom mula nang maghiwalay sila ng misis na si Carla Abellana.

Noong Hunyo, una nang ibinahagi ni Tom na Marso 13 nang lumipad siya sa U.S para makapiling ang pamilya na "who will never judge and who will only love me unconditionally."

Inamin niya noong may kakulangan siya bilang partner ni Carla, lalo na nang mawaldas daw ang kanyang pera dahil sa taong nanloko sa kanya.

Pero hindi raw totoo ang espekulasyong pisikal niyang sinaktan ang aktres.

Kung anuman daw ang buong katotohanan sa hiwalayan nila ay tanging sila lamang dalawa ang makakaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Agosto, sinabi ni Tom sa panayam niya sa 24 Oras na may ilang siyang nakapilang proyekto na gagawin habang siya ay nasa U.S.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez looks happy and content with his life in the U.S. eight months after split with wife Carla Abellana.
PHOTO/S: @akosimangtomas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results