Hindi pa man tuwirang umaamin sa kanilang relasyon, mukhang tinapos na nina Kobe Paras, 25, at rumored girlfriend na si Erika Poturnak, 20, ang kanilang relasyon.
Si Kobe ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, habang si Erika naman ay anak ni Ina Raymundo at mister nitong si Brian Poturnak.
Ngayong Lunes, September 26, 2022, napansin ng mga mapanuring mata ng netizens ang pagbura ni Kobe sa lahat ng posts niya sa kanyang Instagram account.

Gayundin ang pag-unfollow niya kay Erika sa account nito.

Si Erika naman ay burado na rin ang lahat ng larawan nila ng basketball player.
In-unfollow na rin ni Erika si Kobe sa kanyang account.

Noong September 19, sa ika-25 kaaraawan ni Kobe, masaya pang ibinahagi ni Erika ang sweet photos nila ng rumored boyfriend na magkasama noon sa West Hollywood, California.

Una silang namataang magkasama sa isang beach trip noong June 15, 2022.
Read: Ina Raymundo’s daughter Erika Rae Poturnak spotted with Kobe Paras
Katapusan ng Hunyo ay nagkasama naman sila sa Bali, Indonesia.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak get cozy in Bali "with love"
