Watch Now

Sunshine Cruz thanks everyone for appreciating her “blended” family: “Oras na kalimutan ang past.”

by Arniel C. Serato
Sep 27, 2022
Sunshine Cruz blended family
Sunshine Cruz: "Salamat sa napakagagandang comments nyo. I’ve read it and nakakatuwa na makita that you guys appreciate our (blended) family." In this photo, Sunshine (second from left) is with her daughters Angelina, Sam, and Chesca; ex husband Cesar Montano, his partner Kath Angeles, and their kids.
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram

Ikinatuwa ni Sunshine Cruz ang mga mensahe at komento tungkol sa kanyang “blended” family.

Ito ay matapos kagiliwan ng netizens ang maayos nang pakikitungo niya sa ex-husband na si Cesar Montano, sa bagong partner nitong si Maria Socorro “Kath” Angeles, at sa tatlo nilang supling na sina Sam, Liam, at Kristen.

Makikita sa larawang kuha noong September 23, 2022—sa ika-21 kaaraawan ng panganay na anak ni Sunshine kay Cesar na si Angelina Cruz—na para silang isang masayang pamilya.

Read: Sunshine Cruz "so happy" to meet ex-husband Cesar Montano's kids with Kath Angeles

Bukod kay Angelina, kasama rin nila ang dalawa pang anak nina Sunshine at Cesar na sina Sam at Chesca.

Sa Facebook ngayong Martes, September 27, 2022, nagpasalamat si Sunshine sa lahat ng pumuri sa set-up ng kanilang pamilya.

Ayon sa aktres, masayang-masaya ang kanyang mga anak na natapos na ang sigalot sa kanilang pamilya at nagkakaayos na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating na raw ang panahong ibaon sa limot ang nakaraan para sa ikasasaya ng lahat.

Sa dulo raw kasi ng usapin, pamilya pa rin sila.

Ipinagdasal daw niya ito at naibigay naman sa kanya ng Diyos.

Mensahe ni Sunshine, “Hey guys! Salamat sa napakagagandang comments nyo. I’ve read it and nakakatuwa na makita that you guys appreciate our (blended) family.

“Masayang masaya especially ang mga bata and their happiness is my happiness. Dumating na sa amin ang oras na kalimutan ang past, move forward and to have a better relationship.

“We are family afterall. Sabi ko nga ‘in God’s perfect time’. I prayed and I believed that this will eventually happen and it was given to me and my family. [praying hands, heart emojis]

Sa mga pamilyang nakaranas ng kahalintulad na sitwasyon gaya ng sa kanya, darating daw ang panahong maghihilom din ang sugat nito.

Dagdag niya, “Sa mga pamilya na merong pinagdadaanan, remember time heals all wounds and darating din ang 'God’s perfect time' for all of you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pwedeng madaliin. Be patient and don’t get tired dahil ibibigay NYA yan sa inyo. It could take years but for sure maghihilom ang pain at sugat and everything will be ok soon!

“Magandang araw po sa inyong lahat and May God bless us all.”

Wala pang post si Sunshine ukol sa napabalitang hiwalayan nila ng boyfriend na si Macky Mathay III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz: "Salamat sa napakagagandang comments nyo. I’ve read it and nakakatuwa na makita that you guys appreciate our (blended) family." In this photo, Sunshine (second from left) is with her daughters Angelina, Sam, and Chesca; ex husband Cesar Montano, his partner Kath Angeles, and their kids.
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results