Wala pang 24 oras ang lumipas, napansin ng mapanuring mata ng netizens na muling naka-follow sina Kobe Paras at Erika Poturnak sa isa’t isa sa Instagram ngayong Martes, September 27, 2022.


Marahil ay sinusubaybayan ng netizens ang love story ng dalawa kahit hindi pa man nila inaamin sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon.
Nakamasid ang mga ito sa bawat galaw nina Kobe at Erika.
Si Kobe ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, habang si Erika naman ay anak ni Ina Raymundo at mister nitong si Brian Poturnak.
Kahapon lamang, September 26, nabulabog ang mga tagahanga nina Kobe at Erika dahil pareho silang nagbura ng kanilang pictures sa Instagram.
Si Kobe ay binura lahat ang kanyang posts.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak unfollow each other on Instagram
Ito ay sa kabila na noong September 19 lamang, sa ika-25 kaarawan ni Kobe, masaya pang ibinahagi ni Erika ang sweet photos nila ng rumored boyfriend na magkasama sa West Hollywood, California.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nagpu-post sa kanila kung nagkaayos na sila o may pinagdaanan ang kanilang samahan, relasyon, o kung paano nila ito bibigyan ng label.
Una silang namataang magkasama sa isang beach trip noong June 15, 2022.
Read: Ina Raymundo’s daughter Erika Rae Poturnak spotted with Kobe Paras
June 28 naman sila spotted na magkasama sa Bali, Indonesia.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak get cozy in Bali "with love"
