Itinanggi ng singer-rapper na si Skusta Clee — Daryl Ruiz in real life — ang alegasyong binastos siya ng ilan sa audience sa isang music festival sa Camarines Sur.
Ayon sa ilang netizens, nangyari ito sa Hiraya Music Festival sa lalawigan ng Camarines Sur na naganap nitong September 24, 2022.
Sa video na ipinost ng isang netizen, makikitang habang nagpi-perform si Skusta Clee ay may sumigaw sa audience na “Kasalanan mo" at "Nahiwalay ka sa anak mo!”
Sigaw pa ng isa, “Sayang si Zeinab.”
Si “Zeinab” ay ang dating partner ni Skusta Clee na si Zeinab Harake kung saan meron silang isang anak, si Zebbiana o Bia.
Pero paglilinaw ni Skusta Clee, hindi siya nabastos sa nasabing event.
Rason pa niya, may lilipad na microphone mula sa kanya kapag ito ay nangyari.
Buong post ng singer-rapper: “Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sakin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon [laughing in tears emoji]”
NETIZENS REACTION
Ilang netizens ang nagtanggol kay Skusta Clee tungkol sa hindi magagandang salitang ibinabato rito ng ilang um-attend sa music festival.
Post ng isang netizen, kahit may mga hindi magandang salita galing sa ilang audience sa event, ipinagpatuloy pa rin ng singer-rapper ang kanyang performance.
Ayon dito, “WHAT HAPPENED DURING SKUSTA CLEE'S PERFORMANCE?
"On September 24, a much anticipated concert was to occur, the Hiraya Music Festival in Pili.
"Skusta Clee performed at the Hiraya Music Festival in Pili, an event that also showcased a few famous names in the Music Industry.
"During his performance of "Zebbiana", he pleaded multiple times to the crowd to sing his lines, but according to one eyewitness, there were only a few or almost none singing.
"He understandably became upset, but pushed on with his performance.
"This performance merited a lot of support for Skusta Clee, which brought people to look back on the day he supposedly cheated on his then pregnant girlfriend. This is one of the most popular support he has received. (Shared post)
"So far, I was not able to find any posts written against him, all were supportive.
"Where do you stand on this issue?"
Sabi naman ng isa, kahit sa personal na buhay ay tila hindi magandang ehemplo si Skusta Clee, sana naman daw ay huwag bastusin ang musika nito at siya mismo bilang performer.
Mensahe ng netizen, “Nabibwisit nako sa nakikita ko about dito e. HAHAHAHA.
"AS AN ARTIST, BICOLANO, AND PERFORMER. I'm disappointed to what they've done during the event. Ramdam ko yung sakit sa salitang, "Gusto nyo bang kumanta pa'ko?".
"I know na kupal syang ama, asawa, at tao sa pagkatao nya bilang Daryl, pero nasa Stage sya at nagpeperform as SKUSTA CLEE, that's way out of his personal fcking life.
"Di ko sya pinagtatanggol or what, pinaglalaban ko dito yung respect sa mga performer, alam kong di lang sya performer dyan, pinunta nyo yung ibang artist pero sana nung sya na yung kumanta, nirespeto nyo nalang sana, aminin nyo sa hindi, di man lahat pero meron syang kanta na kinanta nyo din once.
"Di nyo magegets sinasabi ko pag di pa kayo nakatungtong at nagperform sa stage na walang may pakialam sayo. HAHAHAHA.
"BAHAGI LANG PO NG BICOL ANG CAM SUR. SANA SA GINAWA NYO, SA IBANG PARTE NG BICOL MAKAPAGPERFORM PA ANG IBANG ARTIST NA KAGAYA NYA NA MARAMING MAY AYAW AT GALIT DAHIL SA PAGIGING IRESPONSABLE NYANG AMA AT ASAWA NA GINAGAWA DIN NG IBA PERO DI LANG SILA SIKAT."
Depensa ng isa pa, “di ako fan ni skustaclee pero, kung di nyo sya gusto wag na kayo madaming sinasabi, di naman nya kayo pinapakelaman dami nyo sinasabi sa kanya without knowing na yan ang na achieve nya sa pang bash nyo. pakelaman nyo muna sarili nyo bago nyo pakelaman ang ibang tao”
Sa kabilang banda, meron ding nagsabing karma ito ng rapper dahil sa kanyang mga nagawa sa dating partner.
“Sa mga taong nagtatanggol sa kanya na kesyo isantabi yung inis sa kanya kasi talento niya ang ipinunta dun, no! Come to think of it, kahit ayaw man niya na kainisan sya sa event na yun, its his karma. And karma comes when u don't want it to come HAHAHAHAHA charot englisherist”
Skusta Clee has been involved in similar events several times at gatherings where he was invited to perform.
- Did Skusta Clee walk out of musicfest in Quezon City?
- Crowd chants "cheater" during Skusta Clee gig at Clark musicfest
