Itinanghal bilang Outstanding Social Issue Documentary ang A Thousands Cuts sa katatapos lamang na 43rd Annual News and Documentary Emmy Awards.
Ang A Thousand Cuts ay isang dokumentaryo tungkol sa sitwasyon ng freedom of the press sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, tampok ang Nobel Peace Prize winner at Rappler CEO na si Maria Ressa.
Read: Maria Ressa wins 2021 Nobel Peace Prize
Sa direksyon ng Filipino-American filmmaker na si Ramona Diaz, ipinakita rito ang ginawang pag-atake ng Duterte administration sa Rappler at sa mga mamamahayag nito, mula sa pag-aresto kay Maria noong 2019 sa kasong cyber libel, at pati na rin ang pagbabawal sa Malacañang reporter na si Pia Ranada mula sa pagpasok nito sa loob ng Malacañang compound para mag-cover.
Read: Maria Ressa urges journalists to "hold the line"; hits social-media giants fueling "toxic sludge"
Unang inilabas ang dokumentaryo noong 2020 sa Sundance Film Festival.
Ginanap ang awarding ceremony ng 43rd Annual News and Documentary Emmy Awards sa New York City noong September 29, 2022 (September 30, Philippine time).
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinarangalan ang A Thousand Cuts, dahil bago pa man ang News Emmy award, nakatanggap na rin ito ng parangal sa 2021 Gotham Award bilang Best Documentary at 2022 George Foster Peabody Award for Documentary.
Sa Twitter, nitong nakaraang Biyernes, September 30, nagpasalamat si Direk Ramona sa parangal na iginawad ng National Academy of Television Arts and Science sa A Thousand Cuts nang iretweeet nito ang post ng News & Documentary Emmys tungkol sa kanilang pagkapanalo.
Caption ni Ramona (published as is,), "Woohoo! Thank you, Academy. And @frontlinepubs and of course @mariaressa and @rapplerdotcom and everyone of our Philippine team!"
Ang A Thousand Cuts ay maaaring mapanood sa YouTube channel ng PBS Frontline.
