Buong pagmamalaki at labis ang pasasalamat ng actor-director na si John Prats sa matagumpay na Manila concert ng South Korean-American rapper na si Jessi.
Read: John Prats reveals he almost transferred to GMA-7 for financial reasons
Si John ang director ng Zoom In Manila concert ni Jessi nitong Biyernes, September 30, 2022, na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
Sa Instagram ngayong araw, October 1, 2022, ibinahagi ni John ang ilang kuhang videos at larawan nila ni Jessi, kalakip ang mensahe ng pasasalamat sa hindi raw niyang makakalimutang directorial debut para sa kauna-unahan niyang K-pop concert.
Caption ni John (published as is) "Did you know this was @jessicah_o first solo concert?
"What a privilege it was to be her first concert director, and it was my first time directing a K-pop concert."
Dagdag pa niya, "I'll never forget this! [microphone emoji]. To God be the Glory [clap emoji].
Agad namang nag-reply si Jessi, na labis din ang pasasalamat kay John.
Reply ni Jessi (published as is), "Thank you so much. [heart and pray emoji] unforgettable."
Sa magkahiwalay na post, nagpasalamat din si John sa mga Pilipinong nanood sa kauna-unahang solo concert ni Jessi.
Saad niya (published as is), "To God be the Glory! Happy ako na nag enjoy kayong lahat sa Zoom in Concert ni @jessicah_o! Until our next one! Mabuhay ang mga PINOY."
Si Jessi ang nasa likod ng mga viral na kantang "Zoom," "Nuna Nana," "Cold Blooded," at "Gucci."
Bukod kay Jessi, ilang malalapit din na kaibigan ni John ang bumati sa kanyang directorial success.


