PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax star Ayanna Misola relaxes no-touch rule in her daring scenes

Ayanna Misola names Joko Diaz as her favorite onscreen partner.
by Noel Orsal
Published Oct 7, 2022
ayanna misola smiling
Ayanna Misola on baring for the first time: “Mas naramdaman ko pa yung hiya kasi chubby pa ako noon, mahilig akong kumain, e. Iyon yung naramdaman ko kasi bago ko naman pasukin yung Vivamax, aware na ako na parang ganoon talaga yung mangyayari, na may exposure. Basta walang hawak, okay lang sa akin."
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram

Marami pa rin ang hindi nakakakilala sa sexy star na si Ayanna Misola, isa sa mga pambato ng Vivamax.

Ito ay sa kabila ng nakagawa na siya ng anim na pelikulang ipinalabas sa online streaming site ng Viva: Bula, Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, Putahe, Kinsenas Katapusan, Siklo, at Pornstar 2.

Pangarap daw niyang mapanood sa sinehan ang mga pelikulang ginagawa niya para mas lubos pa siyang makilala.

Noong October 3, 2022, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ayanna sa kanyang condo unit sa Quezon City pagkatapos kunan ito ng antigen test.

Noong October 4 ang first shooting day ng bago niyang pelikula, ang Bugso, isang sexy movie directed by Adolf Alix.

"Kasama ko rito si Sid Lucero, Hershey de Leon, Lara Morena, Allan Paule. Actually, hindi ko pa kilala kung sino yung iba pero silang apat," banggit ni Ayanna.

Gaano siya ka-excited na gawin itong pelikula?

"Excited na ako! Excited na akong mag-film, ibang-iba siya. Sexy siya, pero ibang-iba yung character ko rito, hindi niyo siya ie-expect," sabi ni Ayanna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW AYANNA WAS DISCOVERED

Ibinahagi ni Ayanna kung paano siya nadiskubre at napadpad sa pagpapaseksi.

Lahad niya, "Na-discover po ako ni Tito Jojo Veloso sa Internet. Mahilig po kasi akong mag-post ng mga pictures dati noong 2018, puro selfie pa noon.

"'Tapos kinontak niya ako at tinanong niya ako kung gusto ko raw bang maging artista.

"Sakto, gusto ko talagang maging artista. Pero bago yun, siyempre tsinek ko muna kung legit.

"'Tapos nakita ko na siya pala yung naka-discover kay Alice Dixson, na sobrang idol ko kaya ayun nag-go ako."

Patuloy niya, "Hindi ako sobrang active noong 2018, parang nag-sign ako ng contract 'tapos bumalik ako sa San Pedro, Laguna, kasi nag-aaral pa ako.

"Parang gusto ko lang masabi na nag-sign ako, yung parang artista na ako, kaso nga lang hindi talaga ako active.

"Noong nagkaroon ng pandemic, na-realize ko na parang gusto ko talagang maging artista. And na-realize ko noong lockdown na parang walang nangyari sa buhay ko kundi naka-stay lang sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya minessage ko si Tito Jo and sinabi ko sa kanya na magpapaka-active na ako at sinabi ko rin sa kanya na ready na akong magpa-sexy.

"Kasi alam ko nagpapa-sexy na noon sila AJ Raval, kasabay ko sila that time. 'Tapos ako, parang baby ako, na wala akong alam."

BARING IT ALL BUT NO TOUCH

May idea ba siya sa pagpapa-sexy na ginagawa ng mga bida sa Vivamax movies?

“Napanood ko po yung movie ni AJ Raval and Angeli Khang na Taya, 'tapos nakita ko na sobrang intense yung pagiging sexy. Pero habang pinapanood ko yun, yung nasa utak ko, 'Ang galing nila!' kasi nagawa nila yun.

“Bago pa yung Vivamax, kilala ko na si AJ pati Angeli, 'tapos pare-pareho kami na parang bata lang. As in, hindi kami ganoon ka-wild. Pero nakita ko naman na nagawa nila kaya sinabi ko na kaya ko rin yung gawin.

“Noong una, ayaw maniwala ni Tito Jo na magpapa-sexy ako, na kaya ko siyang gawin, pero ito nagawa ko na,” natatawang sabi ni Ayanna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang naramdaman niya nung unang gumawa siya ng ganoong pelikula, na magpapakita siya ng katawan?

Saad ni Ayanna, “Noong naramdaman ko sa Pornstar 2, kasi iyon yung unang ibinigay sa akin, na-excite ako. Kasi noong napanood ko naman yung Pornstar 1, okay naman siya at sobrang nakakatawa siya, comedy.

“Yung sa amin pala, ibang level na, kasi may exposure. Pero okay lang naman.

“Mas naramdaman ko pa yung hiya kasi chubby pa ako noon, mahilig akong kumain, e.

“Iyon yung naramdaman ko kasi bago ko naman pasukin yung Vivamax, aware na ako na parang ganoon talaga yung mangyayari, na may exposure.

"Basta walang hawak, okay lang sa akin."

Ibig bang sabihin, hindi siya puwedeng hawakan ng kaeksena niya sa maseselang eksena? Kahit sa upper part?

“Oo, hindi puwede. Dati, hindi puwede yung sa upper part. Pero simula nung Bula, meron na rin, e,” sabi niya.

Sa mga naging kapareha niya sa pelikula, sino ang pinakanagustuhan ni Ayanna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Kuya Joko Diaz," sagot ni Ayanna.

Paliwanag niya, "Siya yung nagturo sa akin, iyon yung first ko na movie, yung Kinsenas, tinuruan niya talaga ako kung ano yung mga techniques, na hindi mo kailangang idikit yung sarili mo.

“Feeling ko, na-respect talaga ako ni Kuya Joko, kasi veteran na siya. Parang puwede niyang gawin kung ano yung gusto niyang gawin pero siya na talaga mismo yung nagre-restrict sa sarili niya.”

HER FAMILY AND FRIENDS'S REACTION?

Ano ang naging reaction ng pamilya ni Ayanna nang nalaman nilang nagpa-sexy at nagpapakita siya ng katawan sa pelikula?

Lahad niya, “Sa kanila ako unang nagpaalam noon, e. Noong una, ayaw nila. Pinapanood ko rin sa kanila, kay Mama, pinapanood ko yung trailer. 'Tapos sinabi ko na, 'Ang galing ni Angeli oh, tsaka ni AJ, nagawa nila yun.'

"Tapos habang pinapanood, inuuto ko muna, ganun, and sinasabi ko na, 'Ang galing nila, gusto ko rin!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagulat din sila, seryoso kasi ako kaya parang araw-araw sinasabi ko sa kanya na gusto kong gawin.

"Hanggang sa kinontak na rin niya si Tito Jo. 'Tapos kaming dalawa ni Tito Jo, kino-convince namin yung nanay ko, 'tapos siya naman yung nagko-convince sa tatay ko. Yun, hanggang sa nasanay nalang yata sila."

Ibig sabihin, napapanood ng kanyang mga magulang ang mga pelikulang ginagawa niya?

"Noong una, hindi, pero yung Bula, pinanood talaga nila.”

Hindi ba siya nagpaseksi sa pelikulang yun?

"Meron, sobra nga rin yun, e, pero natanggap na yata nila. As in, pang-eight ko na yun, e. Tapos yung pang-nine ko, katatapos lang din namin kahapon.”

Tumigil daw sa pag-aaral si Ayanna nang mag-lockdown dahil sa pandemic.

“Lockdown noon, 'tapos hindi ako nag-enroll sa online class kasi college na, parang ang hirap,” sabi niya.

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga kaklase at kaibigan ni Ayanna noong napanood ng mga ito ang mga pelikula niya sa Vivamax?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga classmates ko dati, nagulat silang lahat kasi alam nila na hindi rin ako pala-salita, 'tapos para talaga akong bata, 20 years old pa lang naman ako.

“Nagulat silang lahat, siguro hindi nila in-expect na gagawin ko pala yun, siguro dahil sa pandemic,” saad ni Ayanna.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola on baring for the first time: “Mas naramdaman ko pa yung hiya kasi chubby pa ako noon, mahilig akong kumain, e. Iyon yung naramdaman ko kasi bago ko naman pasukin yung Vivamax, aware na ako na parang ganoon talaga yung mangyayari, na may exposure. Basta walang hawak, okay lang sa akin."
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results