Hindi pumapatol ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kahit na anong ibinabatong puna, kritisismo, o pamba-bash sa kanya.
Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa ginanap na solo press conference niya ngayong araw, October 6, 2022, sa Yoshimeatsu.
Paano niya hina-handle ang bashers niya?
"Siyempre hindi ako magiging ipokrita. Sometimes, nasasaktan ako. Kasi, tao lang ako, e," pag-amin ni Bea.
"Kasi, di ba, sometimes they just say things. Hindi nila naiisip na tao ako. Tao yung pinagsasabihan nila. May emosyon, nasasaktan.
"And whenever that happens, I let myself get hurt. Kasi, tao ka, e. Hindi mo puwedeng i-shake-off iyon. It’s your own process. Gano’n talaga ang buhay."
Pero alam din ni Bea kung ano ang mga kritisismo sa kanya na dapat niyang pagtuunan ng pansin.
Aniya, “But I only picked the criticisms that will only help me. Because there are things na hindi mo naman kailangan sa buhay mo, in fact, baka makasama pa sa iyo. You don’t want to dwell on that kind of energy.
"But yung criticisms na nanggagaling sa mga tao na alam ko that they love me, mga fans ko. And actually, comfortable sila to say kapag may hindi sila nagugustuhan sa projects ko or sa relationship ko.
"I know they love me and they say it in their most loving ways. And I understand it.
Sabay prangkang sabi pa ng Kapuso actress: "Kasi, hindi naman ako perpekto. Marami rin akong pagkakamali. Meron din akong mga bagay na hindi ako magaling and okay lang iyon."
Alam na raw niyang balansehin ang sarili.
"With bashing, ayaw mo naman kasi na maka-apekto yun sa energy mo. I always try protecting my energy," dagdag ni Bea.
Sa October 17 ay kaarawan na ni Bea. Nang tanungin kung ano ang plano o gusto niyang gawin sa araw ng birthday niya, natatawang sabi niya, ang gusto raw niya ay matulog at magpahinga.
"I’ve been very busy this past few months and I’m very, very thankul," saad niya.
"But obviously, sa sobrang dami ng mga nangyayari sa buhay ko, parang ang sarap din mag-pause.
"Magpahinga sa birthday ko. Manood ng mga series, mga movies na gusto ko. Gano’n lang kasimple at wala akong pasabog sa birthday ko.”
- Ano ang mga requirement ni Bea Alonzo sa binili niyang bahay sa Madrid?
- Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers
- Did Bea Alonzo and Dominique Roque's mothers make a pinky promise about a future wedding?
UPCOMING TRIP TO MADRID
Pero nilu-look forward ni Bea na makapagbakasyon ng isang buwan para i-check ang biniling apartment niya sa Madrid.
Ayon kay Bea, "Hiningi ko talaga ‘to sa GMA, pupunta ako ng Spain, kasama si Mama, yung family ko kasi, inaayos na namin ang apartment.
"At saka, siyempre, wellness talaga ang number one priority. Kailangang pangalagaan ang health natin.
"I’m very happy kasi ang GMA, masyado silang considerate pagdating sa mga gano’ng bagay."
At sa tanong kung ano ang birthday wish niya, natatawang sabi ni Bea, "Positivity! Yun ang birthday wish ko."
At isinunod din na, "Di ba nga, wala na akong mahihiling pa kasi, ang daming magagandang nangyayari sa buhay ko.
“At sana magtuloy-tuloy at ma-deliver ko ang lahat ng ine-expect mula sa akin.”
